I was surfing yahoo website this morning when I saw an article regarding best things about having more than one kid. Sounds interesting kaya binasa ko. After I read the article, sadness talaga ang naramdaman ko para sa anak ko na nag iisa lang. Kung may kapatid lang sana sya sigurado mas happier sya ngayon dahil mararanasan nya lahat ng advantages ng mayroong kapatid. Isa na doon ang may kasama sya, kalaro, kakampi, kaaway, kakulitan at iba pa. Kung may kapatid sya sana mas mapagmahal sya at mas thoughtful. At syempre sa paglaki nya at sa pagtanda naman naming mga parents nya, e di sana may kasama sya, kaagapay sa buhay at karamay sa mga desisyon sa buhay na hindi na namin lubos na magagampanan para sa kanya. Ang hirap isipin na wala syang makakasamang kapatid in case mawala na kami ng daddy nya sa buhay nya. Maliban nalang syempre kung mag asawa sya at magka pamilya na. Tulad ng biruan ng iba, paano ka mag organize ng family reunion kung wala ka namang kapatid..hehehe.... e di mga pinsan!!
Sa kabilang banda, naisip ko rin na hindi din naman siguro hassle kung sakaling walang kapatid ang anak ko. Nakikita ko naman na strong ang personality nya at matalino sya. Sa tulong na din siguro ng gabay naming mga magulang sa kanya, siguro naman higit pa sa pagkakaroon ng kapatid ang mararamndaman nyang pagmamahal namin sa kanya. Kung sakaling hindi man kami mabigyan ng chance mag asawa na magkaroon ulit ng anak ay maluwag naman namin tatanggapin yun. Pero hanggang kaya pa, hindi pa din nawawala ang pag asa namin na someday didinggin din ni Lord ang panalangin namin to have maski isang anak ulit. Sabi nga nila, "In God's perfect time" dadating iyan sa atin. Pray lang ng pray.
Minsan kapag may nababasa/napapanood akong news tungkol sa mga fetus or baby na inabandona lang kung saan saan, talaga namang nakakagalit ang mga gumagawa noon. Napakadali para sa kanilang magtapon ng buhay samantalang ang iba dyan hirap na hirap magkaroon man lang maski isang anak. Kung sino pa ang hindi deserving na magkaroon iyon pa ang nagkakaroon. Sayang lang kasi yung mga buhay ng mga batang iyon. Buti nalang madami pa din mabubuting tao na handang mag aaruga at magmamahal sa kanila kaya sa somehow bless pa din sila.
Isa lang din ang comment ko sa pagkakaroon ng madaming anak. Dapat responsable din ang mga parents sa bawat iniluluwal nilang anak. Make sure na financially, kaya ninyong ma sustain ang mga basic needs ng mga bata or else hindi din sila magiging masaya sa buhay nila. Emotionally, morally, physically, spiritually dapat ready ka din gampanan ang obligasyon sa bawat anak mo. Iwasan magkaroon ng paborito sa magkakapatid para walang samaan ng loob at magiging cause din ng lagi nilang pag aaway. So yun lang ang aking masasabi dyan. Sana nga mabigyan ako ng isa pang miracle ni God maski isa lang. :)
Cheers!
joy
1 comment:
Thank you for such a fantastic web site. On what other blog could anyone get this kind of information written in such an insightful way? I have a presentation that I am just now working on, and I have been looking for such info.
Post a Comment