Good day friends!
Its Thursday already..I'm so happy malapit na ulit ang weekend. Time to rest and spend time with my daughter at home. Mula noong time na nagkaroon ako ng baby, maski umpisa palang ng araw, looking forward na agad ako sa pag uwi ko dahil gusto ko na ulit makita anak ko. Alala ko pa after ng Maternity Leave ko at kailangan ko na bumalik sa trabaho, ang bigat ng pakiramdam ko at naiiyak pa ako minsan sa trabaho dahil miss ko na ang anak ko. Grabe! ang exage ng motherhood ko di bah?? To give you an idea why my daughter is so precious to me, kasi naman when I got married, hindi naman agad kami biniyayaan ng anak. It took us 4 years waiting in vain pa para finally magkaroon ng anak. Minsan nga nawawalan na kami ng pag asa na tipong yung mga payo ng matatanda gusto na namin patulan like sumayaw daw kami sa Obando, o di kaya ay mag alaga daw muna kami ng ibang bata para pahiyang or mag alay ng kung anu ano at iba pa. Pero malakas pa rin ang faith namin na in God's time dadating din yon at inisip nalang namin na baka hindi pa right time para magka anak kami. So tuloy pa din ang buhay. During the first up to the second year of our marriage medyo ok pa, hindi pa kami nababahala. Pero after 3 years, medyo worried na kami ng hubby ko dahil hindi pa din ako mabuntis. Minsan pa nga binibiro kami ng mga friends and relatives namin na baka daw isa sa min ay baog. Although biro lang sya pero ang totoo masakit din dahil sino ba naman ang ayaw magkaroon ng anak. Kaya nga nag asawa para bumuo ng sariling pamilya at magkaroon ng sariling anak na palalakihin at aarugain. So hayun, dedma na lang namin ang mga pangungutya ng ilan. Ang totoo naman nyan gumagawa naman talaga kami ng way para makabuo sa abot ng aming makakaya ..hehe. One time nga naglakas loob ako lumapit sa isang OB Gyne specialist. Hoping na baka matulungan kami sa aming problema mag asawa. Naalala ko yung una kung experience sa nilapitan kong OB Gyne, ang mean nya talaga akalain mo sabi nya agad sa kin, "Misis, kailangan siguro mag reduce ka kasi medyo may katabaan ka, minsan isa rin dahilan kaya hindi ka makapag ovulate ng maayos dahil sa dami ng taba mo sa katawan". Grabe di ba? prangkahan ito teh!..huhuhu...ang sakit di ba? Pero totoo naman, medyo malusog talaga ako pero hindi naman agad ako nawalan ng pag asa dahil madami din naman ako kakilala na malulusog ang katawan and yet may mga anak naman. So how much more ako na hindi naman ako ganun ka super obese dati. So ang ginawa ko, binawasan ko lang ang food intake, then vitamins, then stress-free life. Si hubby naman, clean living talaga sya, at natuwa naman ako dahil nag sinakripisyo nya ang sigarilyo at alak para lang magkaroon kami ng anak. Nag try ulit ako mag consult sa ibang doktor naman to seek advice, so far itong huling nilapitan kong doktor very accomodating sya tinulungan nya talaga kami mag asawa. And of course, sinamahan din namin ng prayers as in nag novena pa ako kaya Mama Mary dahil naniniwala ako na mas powerful pa rin ang prayers than anything else. Ilang months na trial and error, ilang months ng disappointments ang lumipas dahil laging false alarm. In short, hindi rin biro yung pinagdaanan namin dahil physically, mentally, emotionally affected talaga ako. That was Saturday, Jan 19, 2008 eksaktong 1 week delayed ang menstruation ko. Although wala ako nararamdaman kakaiba sa sarili ko, nag decide na rin ako pumunta sa doctor ko at magbaka sakali. Since nasa work si hubby, ang sister ko ang isinama ko. Nasa clinic na kami, blood test ang ginawang test ng doktor ko. unlike dati urine lang. Sabi nya mas accurate daw ang blood test. So go na ang bloodtest. After ilang nakakainip na minutes na paghihintay, tinawag ulit ako ng doktor sa clinic nya. Noong una sad face pa sya, so feeling ko false alarm na naman. Pero noong pinakita na nya ang resulta ng pregnancy test ko ..hay grabe!!!!!!!! di ko alam kung yayakapin ko ba si doc o sisigaw ako sa tuwa dahil dito sa pinakita nya sa kin:
Kakaibang kasiyahan talaga ang naramdaman ko that time. At dahil birthday ni hubby the day after ko nalaman buntis na ako, ito ang binigay kong gift sa kanya...o di ba bongga? Syempre masayang masaya din sya at maski secret muna dapat ay di nya napigilan ipamalita agad. Dumaan ang ilang months ng samu't saring karanasan ng pagbubuntis ko. Nanganak na din ako sa wakas, pero bago pa man ako manganak, dumaan muna kami sa butas ng karayom ng baby ko. During my pregnancy, mataas ang BP ko until sa manganak ako kaya apektado rin si baby sa loob ng tiyan ko. Maski hindi pa oras na ipanganak sya, pinilit sya ilabas ng doctor ko para ma save kami mag ina. Buti naman din at napaka maalaga ng doctor ko at talagang monitored kami ng baby ko until the time na nakalabas na kami safely sa hospital.
At dahil dyan kaya sobrang mahal na mahal ko ang anak ko. Matagal na panahon ko kasi sya hinintay at hindi biro ang pinag daanan naming mag ina para lang magkasama kami finally.
Ito na ang baby ko...3 years old na sya ngayon at nasa nursery school na.
:)
joy
No comments:
Post a Comment