Hello! musta kayo? Sorry ngayon lang ulit ako nagparamdam. I was so busy kasi yesterday alam nyo naman working mom din ako. I was so ngarag yesterday dahil sa preparation ng Inter-Department Basketball tournament ng company namin at isa ako sa naatasan na mag asikaso ng mga participants ng aming department. As usual last minute preparation dahil ngayon na, as in now na ang presentation at noong last Thursday lang nag umpisa mag rehearse at bumuo ng cheer dance group namin. Hayy...kaka -stress talaga dahil kapag walang ma ipresent ako ang mananagot sa aming big boss..oh no!
So hayun dahil sanay na tayo sa mga ganyang last minute preparation, nagtiwala nalang ako sa kakayahan ng mga participants and I am glad to know na nakabuo din sila maski last minute presentation. Hindi na lang kami aasa na manalo dahil yung ibang department mga 1 month na yata nag rehearse. Pero syempre nothing is impossible naman malay mo kami ang i declare na winner mamaya..hahaha. Fighting spirit lang naman katapat dyan. Well, tingnan nalang natin mamaya at ibabalita ko rin sa inyo later on kung ano nangyari.
So hayun kagabi habang pauwi ako after ko mag gym, nagbalik-tanaw sa isip ko yung kasikatan dati ng Ginebra- Alaska bastketball team ng PBA. Kung hindi ako nagkakamali, 1997-1999 yata yun basta I was in college noong naging hot topic lagi ang PBA games lalo na yung matinding labanan ng Ginebra-Alaska
Ang coach pa dati ay si Robert "The Legend" Jaworksi at sa Alaska na naman na ang coach ay si Tim Cone. Ang mga sikat na players pa dati ng Ginebra ay sina Val David, Vince Hizon, Pido Jarencio, Dudut Jaworski, Jayvee, Marlo Aquino at marami pang iba.
At sa Alaska naman ay sina Johnny Abbarientos, Jojo Lastimoso, Sean Chambers, Jeffrey Cariaso, Bolado at madami pa na hindi ko na ma recall ang mga names at feeling ko wala na rin yata yung ibang players sa current PBA Teams.
Going back sa time na yan. Grabe talaga ang kasikatan nila dati. Lalo na kapag championship na, iba ang atmosphere. Lahat yata nag aabang sa game, syempre yung iba may mga pusta, yung iba naman mga die- hard fans lang talaga like me. Actually sa bahay namin dati, hating-hati kami pagdating sa kampihan ng basketball team. Lahat ng male members ng family namin sa Ginebra sila tapos yung the rest kasama na ako doon ay sa Alaska team naman. Minsan pa nga, dumadating ang time na nagkaka personalan na din kami sa bahay tuwing nanonood ng game ng Ginebra at Alaska..hahaha. Nagkakapikunan kasi dahil nag aasaran. Masyadong dibdiban ang laro noon na kung tutuusin ay di naman dapat dahil keber naman ng mga players kung todo suporta ka sa kanila e di naman ka rin naman nila kilala personally..hehehe.. As in may mga nababalitaan pa nga ako dati na nauuwi pa sa trahedya dahil lang sa pustahan ng game na yan. Ganun ka seryoso ang mga Pinoy dati pagdating sa ganyan. Tapos there was one season na nag composed pa ng kanta si Gary Granada "Pag Nanalo ang Ginebra" for Ginebra team, at maski hindi ako maka Ginebra, ay na touched ako at napaluha pa sa kanta kasi naman laging natatalo ang Ginebra dati against Alaska that time kaya siguro nag conposed ng kanta na yun to boost up their morals. Alala ko din dati ang bahay namin, tadtad ng dikit ng posters ng kanya kanyang team na gusto kaya tuloy parang Cuneta Astrodome na ang bahay namin dati..hehehe. Those are memories lang from the past. Syempre dahil dyan bigla ko tuloy na miss yung Tatay ko na die- hard fan din ng Ginebra. Minsan kaagaw pa namin sa panonood sa nag iisa naming TV, gusto namin manood ng telenovela, sya naman gusto manood ng basketball. E syempre sya ang masusunod kaya hayun tuloy nakahiligan nalang din namin manood ng basketball. Para hindi na maguluhan ang TV namin. hahaha. Pero noon pa yun dahil sa ngayon hindi na kami updated sa PBA. Actually hindi ko na nga rin kilala ang mga Teams ng PBA at kung sinu sino ang mga sikat at magagaling na players sa ngayon. Pero I'm sure enjoy pa din manood ng game na yan lalo na tayong mga Pinoy mahilig sa basketball.
Happy Weekend!
joy
No comments:
Post a Comment