Motherhood is not an easy thing talaga..agree ba kayo dyan? Hay naku, being a first time mom, lahat ng bagay in relation sa mothering ay bago talaga and everyday is always a new experience to me. I only have one child and she is 3 going 4 years old this coming August. I enrolled her this school year as nursery sa isang learning center. Marami kasing nag recommend sa kin ng learning school na iyo so doon ko sya pinasok. So far, in 2 months mula ng nag start mag aral anak ko, madami na ako na observed na pagbabago sa kanya, madami na din sya natutunan like alphabet, drawings, colors, shapes, numbers and many more. Lahat yun natutunan nya sa school and of course with the help na din namin sa kanya. I'm so proud sa kanya. Ang problema ko lang sa learning school na yun ay naka closed door ang classes nila and there's no chance for the bantay or parents na sumilip kung ano ang ginagawa nila sa class. On the other hand, ok naman yung ganun dahil naka concentrate ang mga kids sa lesson nila at natuto sila maging independent for a while. Tinatanong nalang namin yung anak ko kung ano ang mga ginawa nila sa loob ng room after na ng class nila.
Recently lang may daughter had an accident sa loob ng classroom nila. Palabas na daw that time yung daughter ko sa room ng itong classmate nyang babae, tinumba yung monobloc table, tama lang naman dumadaan ang anak ko saka naman tumama yung paa ng lamesa sa kanang pisngi nya malapit pa naman sa mata. Although hindi sinasadya pero nakakainis at nakaka worry din ang mga ganung incident sa loob ng classroom. Sobrang iyak ng iyak ang anak ko that time hanggang sa nakauwi sa bahay namin. Nagkaroon siya ng pasa at galos pisngi dahil doon sa nangyari. Bilang ina, masakit isipin na nasaktan ang anak mo lalo pa kung talagang alagang alaga mo na halos ayaw mo nga padapuan ng langaw. Well, dahil nga hindi maiiwasan ang disgrasya so kailangan nalang mag ingat next time.
Also recently lang din, yung isang mommy ng classmate/seatmate ng anak ko, kinausap nya yung mother ko na siyang naghahatid -sunod sa anak ko sa school. Nakita daw ng mommy na yon may pasa daw yung anak nya sa braso. Noong tinanong daw ng mommy na yon ang anak nya kung ano nangyari doon, sagot daw ng anak nya, kinurot daw sya ng anak ko. E syempre hindi naman agad kami naniwala kasi hindi naman ganun ang anak ko. Maski malikot yun hindi sya palaaway. Of course, tinanong din namin ang anak ko kung sya nga ba kumurot sa seatmate nya. Ang sagot ng anak ko hindi daw sya. Tapos nagkuwento naman din ang anak ko sa akin na yung isang classmate daw nila na boy ang kumurot. Hay grabe, nakaka stress din..hehehe... Umpisa palang yan how much more kaya kapag nasa malaking school na sya. Sana naman hindi na maulit ang mga ganyang pangyayari. Syempre hanggat maari ayaw mo na masasaktan ang anak mo at the same time mananakit ang anak mo sa iba kaya talagang todo pangaral ako ngayon sa anak ko, sana naman isa-isip nya lahat ng sinasabi ko although she's still too young pa talaga, and I am not sure kung nag aabsorb lahat ng sinasabi ko sa kanya.
How about you? May experience din bang ganun ang anak mo sa school?
joy
No comments:
Post a Comment