Sometimes in life, di mo maintindihan bakit kung minsan ang mga pagsubok ay halos sabay sabay, sunud sunod dumating sa buhay natin. Minsan maski anong taimtim na ng prayers at faith mo minsan hindi pa rin enough para mawala totally ang mga hinaharap na mga problema sa buhay. In my own experience, Mula noong nagkaroon ako ng pag unawa kung ano ang ibig sabihin ng problema, masasabi ko na mula yata noon hanggang ngayon hindi talaga ako tinatantanan ng problema. Minsan umalis ng saglit tapos babalik din agad. Ang daming klase ng problema, like problema sa personal na buhay like boyfriend, asawa, family, sa trabaho, sa finances, health, sa pag aaral, at madami pang iba. Minsan pa nga pati problema ng may problema pino problema mo na rin. Life is so hard talaga. Sabi nga nila, maski yung pinaka mayaman na tao sa mundo malaki pa din ang problema on how they will spend their money, or how will they protect their lives against doon sa may mga interest sa kanila at madami pang iba. Sa tingin ko, wala nama talagang tao dito sa mundo ang hindi nakaranas ng problema. So pare parehas lang. Kaya ako, imbes na dibdibin ko masyado ang problema, iniisip ko nalang na kaya dumadating ang problema sa kin dahil alam ni God na kaya kong malampasan lahat ng trials, i have the strength to overcome all problems and of course I have the strong faith sa Kanya. There's no reason to give up lalo na kung alam mo naman na malakas ang pananalig mo sa Diyos at may tiwala ka sa sarili. Naniniwala naman ako na after the storm may rainbow lagi sa huli. At mas masarap damhin ang ganun kasiyahan dahil ramdam na ramdam mo ang Diyos na kumikilos sa buhay mo.
Share ko lang din itong nabasa ko sa isang post sa facebook.
God's 3 Answer to our Prayers
1. Yes
2. Not yet
3. I have something better in mind.
Kaya sa lahat ng may pinagdadaanan ngayon, don't worry. God always answer to all our prayers. Just wait for the right time to come.
Have A Blessed Week Ahead!
joy
No comments:
Post a Comment