Hello there! Kamusta na kayo? Sorry hindi agad ako nakapag update sa inyo. I was so busy kasi kaya wala rin sa focus mag isip ng ikukwento sa inyo.
Late na naman ako ng 5 minutes sa work today dahil late na ako gumising kasi sobrang antok pa ako. Well, dahil siguro last night, nanood pa kasi ako at nag-abang sa necrological service para kay Dolphy. Nakaka touched ang ganyang moment kaya hindi mo maiwasan ma carried -away. Actually, hindi ko pa nga napanood in full kasi palipat lipat kasi ng channel, ganyan kami kapag nanonood para mapag bigyan lahat. Ang ending hindi mo nakukumpleto ang palabas kaya useless din..hehehe.
Anyway, dahil sa nagmamadali nga ako pumasok, nag taxi na ako para mabilis. So hayun pumara na ako ng taxi. Pagkapasok ko sa loob ng taxi sabi ko agad:
me: " kuya, sa bangkal po, sa hi-way nalang po tayo dumaan"..
taxi driver: "oo doon naman talaga ang daan"
me: (antipatiko 'to ha!) ok.. kasi yung ibang taxi, sa vito cruz dumadaan kapag di ko sinasabing hi-way po tayo dumaan"
taxi driver: "maski san ma'am na sabihin nyo basta may tip"
me: (asar) ganun??
taxi driver: hehehe... (evil laugh)
So tuloy na ang biyahe.
Pagdating sa area ng office namin, tiningnan ko yung fare counter ng taxi saka inabot ko na bayad ko na Php 100 dahil Php 99.50 ang taxi fare ko. Aba, ang lolo ayaw pa tanggapin ang bayad ko, dagdagan ko daw maski Php20 lang. E syempre ako tumaas agad ang kilay ko dahil exage naman talaga itong driver. May minimum amount pa talaga syang nalalaman para sa tip na hinihingi nya. Kaya sinabi ko sa kanya, "kuya, Php 99.50 lang ang bill ko, bakit kailangan mo pa ako obligahin magdagdag ng Php20? Sabay inabot ko na sa kamay nya yung Php100 na bayad ko at lumabas na agad ako ng taxi nya. Ang tagal pa nya umalis parang hinintay pa nya yata ako pumasok sa loob ng building. Siguro tinatandaan nya ang mukha ko para kapag nagkataon na magtiyepuhan nya ulit ako pumapara ng taxi ay hindi na nya ako pasasakayin..hahaha. Nakakainis lang kasi ang mga ganyang ugali ng ibang tao. Sa pagkakaalam ko kasi ang TIP ay binibigay mo ng kusa at bukal sa loob mo dahil sa nagustuhan or satisfied ka sa serbisyo binigay sa iyo. Hindi naman ako kuripot na tao, maski sa restaurant nga kapag kumakain kami, maski hirap hagilapin ang waiter nagbibigay pa din ako ng tip dahil gusto ko. Ayoko lang ng ganyang pinangungunahan ako at inoobliga pa na magbigay. Hay naku, kakasira ng araw. Speaking of mga taxi ang dami ko talagang mga bad experiences sa kanila. Like yung iba, namimili pa ng lugar na pupuntahan. Yung iba dadayain ka, dahil don sa tinatawag na "batingting" na pinabibilis ang patak mg metro kaya magugulat ka nalang ang laki ng babayarain mo sa pagbaba mo. Yung iba naman hindi ka man lang tulungan mag unload ng mga gamit pero gusto may tip. Yung iba, hindi nagbibigay ng tamang sukli at resibo. Pinaka worse pa yung experience ng ilan na hino hold up pa ang pasahero. Hindi ko nilalahat ang mga taxi driver pero maraming ganun base sa sarili kong experience. Sana mabago na ang ganung kalakaran para hindi naman madamay ang iba na naghahanapbuhay lang ng maayos at gumagawa lang ng tama.
Have a nice day!
joy
No comments:
Post a Comment