Hello there my dear readers! How are you? Na miss ko itong blog ko..hehehe..tagal ko nakabalik ulit, 3 weeks yata. I just came back from my 7 days vacation in my hometown, Leyte. So far, so good naman maski ang daming obstacles na nangyari before and after ng vacation ko with my entire family.
During our departure sana to Leyte, the day before ay walang tigil ang ulan maski wala naman bagyo. Hanggang sa lumubog na buong ka Maynilaan sa walang tigil na ulan. Akala ko nga maka cancel ang flight namin, pero hindi naman nangyari. So dahil walang cancellation ng flight kaya go pa din kami lsa aming vacation. Sa awa ng Diyos, nakarating naman kami safely sa Leyte, at to our surprise grabe ang init ang araw doon pagdating namin. Opposite sa sitwasyon that time sa Manila na lubog na lubog na sa baha.
Our entire 7 days vacation was really unforgettable. Nakapag relax kami ng husto. Nakalanghap ng sariwang hangin sa beach. As in 4:00 AM palang nasa beach na kami. Mas masarap pala ang feeling ng makikita mo ang sunrise. Tapos kalmado ang beach, wala pang masyadong tao, feeling ko ako ang may ari ng beach dahil wala ka ibang makikitang tao dahil maaga pa nga. Enjoy din ang mga bagets, nakaranas sila ng kalayaan sa kanilang paglalaro. Takbo dito, takbo doon na wala kang pinag aalala. Na feel ko din yung ka simplehan pa din ng buhay doon. Although may mga pagkakaiba na compare sa time na doon pa ako nakatira. Binalikan ko din yung aming nag iisang palengke sa bayan. Madami na din yung pagbabago doon, halos lahat din na makikita at mabibili mo lang dati dito sa Manila ay meron na din doon. Pinuntahan din namin yung Cathedral doon na bagong renovate, although hindi binago ang dating facade pero bago ang kanyang pintura at naging malinis na sya tingnan. Namasyal din kami sa Mac Arthur Park, kung saan nandun ang famous na statue ni Gen. Douglas Mc Arthur at iba pang mga kasama. So far, malinis naman ang kapaligiran at nanatiling peaceful pa din ang ambiance ng kapaligiran.
Nakalimutan ko din pala mag diet doon kasi every other day may handaan, ang daming food at laging may masarap na lechon na hindi mo maiiwasan hindi kumurot sa kanyang nangingintab na balat..hehehe.. Grabe talaga..parang nagsisi ako after ng vacation ko kasi hindi ko pa nga na achieve ang goal ko na mag lose ng weight heto na nama nadagdagan na naman ako dahil sa walang tigil na kain doon...hahaha. Kaya lang during my stay doon sa province namin, talaga namang inuubo ako ng matindi (pati na rin mga kasama ko) na hanggang sa pagbalik ko dito sa Manila hindi pa din gumaling. Dahil siguro sa sobrang init doon kaya nanibago ang katawan ko. Imagine mo naman, 5:00AM palang doon ay katumbas na ng 7:00AM ang sikat ng araw dito sa Manila. Tapos ang 7:00AM na sikat ng araw doon, katumbas na yata ng 10:00AM na sikat na araw dito sa Manila. As in masakit na sya sa balat. Kaya kapag nasa beach kami, start kami ng 4:00AM then uwi na kami ng 7:00AM kasi matindi na sikat ng araw.
Pero all in all, happy at masasabi kong successful ang naging bakasyon namin maski madami munang trials ang dumaan bago kami natuloy doon.
Thank you Lord Jesus.
Have A Nice Day!
joy
No comments:
Post a Comment