Good day!
I'm not feeling very well today, ewan ko kung dahil ito sa ginawa kong workout yesterday sa gym. Yes, tama nag gym ako..hahaha...Actually after noong Annual Physical Exam namin dito sa company namin, medyo na convinced ko na din sarili ko na mag start na magbawas ng timbang for health sake and syempre "to look good even better" sabi nga ni Judy Ann Santos sa Fitrun commercial nya. Once a week I do boxing, then kapag wala ang instructor, gym naman ako. Yesterday sa gym ako pumunta and aside sa treadmill, nag try ako ng ibang work out. Siguro nabigla ang aking katawan kaya naman ganito ang feeling ko ngayon. Ang sakit ng katawan ko at feeling ko magkakasakit ako. Masaya naman ako dahil mula ng noong nag work out ako nabawasan na rin ako ng konting timbang..as in konti lang. Pero ok na din yun maski konti at least may progress di ba? Sa ngayon medyo nag eenjoy pa naman ako sa work out at sana hindi ako magsawa nang mag tuluy tuloy na ang aking goal to become sexy. Hehe..
Have a Wonderful Weekend!
joy
do what makes you happy..be with who makes you smile..laugh as much as you breathe..love as long as you live...
Nuffnang Ads
Friday, June 29, 2012
Thursday, June 28, 2012
My Precious One
Good day friends!
Its Thursday already..I'm so happy malapit na ulit ang weekend. Time to rest and spend time with my daughter at home. Mula noong time na nagkaroon ako ng baby, maski umpisa palang ng araw, looking forward na agad ako sa pag uwi ko dahil gusto ko na ulit makita anak ko. Alala ko pa after ng Maternity Leave ko at kailangan ko na bumalik sa trabaho, ang bigat ng pakiramdam ko at naiiyak pa ako minsan sa trabaho dahil miss ko na ang anak ko. Grabe! ang exage ng motherhood ko di bah?? To give you an idea why my daughter is so precious to me, kasi naman when I got married, hindi naman agad kami biniyayaan ng anak. It took us 4 years waiting in vain pa para finally magkaroon ng anak. Minsan nga nawawalan na kami ng pag asa na tipong yung mga payo ng matatanda gusto na namin patulan like sumayaw daw kami sa Obando, o di kaya ay mag alaga daw muna kami ng ibang bata para pahiyang or mag alay ng kung anu ano at iba pa. Pero malakas pa rin ang faith namin na in God's time dadating din yon at inisip nalang namin na baka hindi pa right time para magka anak kami. So tuloy pa din ang buhay. During the first up to the second year of our marriage medyo ok pa, hindi pa kami nababahala. Pero after 3 years, medyo worried na kami ng hubby ko dahil hindi pa din ako mabuntis. Minsan pa nga binibiro kami ng mga friends and relatives namin na baka daw isa sa min ay baog. Although biro lang sya pero ang totoo masakit din dahil sino ba naman ang ayaw magkaroon ng anak. Kaya nga nag asawa para bumuo ng sariling pamilya at magkaroon ng sariling anak na palalakihin at aarugain. So hayun, dedma na lang namin ang mga pangungutya ng ilan. Ang totoo naman nyan gumagawa naman talaga kami ng way para makabuo sa abot ng aming makakaya ..hehe. One time nga naglakas loob ako lumapit sa isang OB Gyne specialist. Hoping na baka matulungan kami sa aming problema mag asawa. Naalala ko yung una kung experience sa nilapitan kong OB Gyne, ang mean nya talaga akalain mo sabi nya agad sa kin, "Misis, kailangan siguro mag reduce ka kasi medyo may katabaan ka, minsan isa rin dahilan kaya hindi ka makapag ovulate ng maayos dahil sa dami ng taba mo sa katawan". Grabe di ba? prangkahan ito teh!..huhuhu...ang sakit di ba? Pero totoo naman, medyo malusog talaga ako pero hindi naman agad ako nawalan ng pag asa dahil madami din naman ako kakilala na malulusog ang katawan and yet may mga anak naman. So how much more ako na hindi naman ako ganun ka super obese dati. So ang ginawa ko, binawasan ko lang ang food intake, then vitamins, then stress-free life. Si hubby naman, clean living talaga sya, at natuwa naman ako dahil nag sinakripisyo nya ang sigarilyo at alak para lang magkaroon kami ng anak. Nag try ulit ako mag consult sa ibang doktor naman to seek advice, so far itong huling nilapitan kong doktor very accomodating sya tinulungan nya talaga kami mag asawa. And of course, sinamahan din namin ng prayers as in nag novena pa ako kaya Mama Mary dahil naniniwala ako na mas powerful pa rin ang prayers than anything else. Ilang months na trial and error, ilang months ng disappointments ang lumipas dahil laging false alarm. In short, hindi rin biro yung pinagdaanan namin dahil physically, mentally, emotionally affected talaga ako. That was Saturday, Jan 19, 2008 eksaktong 1 week delayed ang menstruation ko. Although wala ako nararamdaman kakaiba sa sarili ko, nag decide na rin ako pumunta sa doctor ko at magbaka sakali. Since nasa work si hubby, ang sister ko ang isinama ko. Nasa clinic na kami, blood test ang ginawang test ng doktor ko. unlike dati urine lang. Sabi nya mas accurate daw ang blood test. So go na ang bloodtest. After ilang nakakainip na minutes na paghihintay, tinawag ulit ako ng doktor sa clinic nya. Noong una sad face pa sya, so feeling ko false alarm na naman. Pero noong pinakita na nya ang resulta ng pregnancy test ko ..hay grabe!!!!!!!! di ko alam kung yayakapin ko ba si doc o sisigaw ako sa tuwa dahil dito sa pinakita nya sa kin:
Kakaibang kasiyahan talaga ang naramdaman ko that time. At dahil birthday ni hubby the day after ko nalaman buntis na ako, ito ang binigay kong gift sa kanya...o di ba bongga? Syempre masayang masaya din sya at maski secret muna dapat ay di nya napigilan ipamalita agad. Dumaan ang ilang months ng samu't saring karanasan ng pagbubuntis ko. Nanganak na din ako sa wakas, pero bago pa man ako manganak, dumaan muna kami sa butas ng karayom ng baby ko. During my pregnancy, mataas ang BP ko until sa manganak ako kaya apektado rin si baby sa loob ng tiyan ko. Maski hindi pa oras na ipanganak sya, pinilit sya ilabas ng doctor ko para ma save kami mag ina. Buti naman din at napaka maalaga ng doctor ko at talagang monitored kami ng baby ko until the time na nakalabas na kami safely sa hospital.
At dahil dyan kaya sobrang mahal na mahal ko ang anak ko. Matagal na panahon ko kasi sya hinintay at hindi biro ang pinag daanan naming mag ina para lang magkasama kami finally.
Ito na ang baby ko...3 years old na sya ngayon at nasa nursery school na.
:)
joy
Wednesday, June 27, 2012
Addicted to Telenovela
Hi there mga friendship!
Yes it's true..I'm so addicted to telenovelas particularly yung sa ABS-CBN. Ewan ko siguro nakalakihan ko na maski noong bata pa ako di pa uso ang TV sa province namin, sa radyo naman ako nakikinig ng mga drama. Yes, you read it right, drama sa radyo mga teh!...wala lang minsan maski korny para sa ibang tao aminin na natin na nagdudulot din sya ng saya, excitement at minsan aliw din sa buhay natin. Minsan pa nga nakaka relate tayo dahil halos similar ang mga nangyayari sa telenovela sa totoong buhay natin. Sa ngayon, ang ka adikan ko ay yung mga malapit ng matapos na
Dahil Sa Pag Ibig nila Piolo Pascual, Jericho Rosales, Cristine Reyes and many more. |
This series is more on political power, fame, money, secret crimes, seeking justice, family and love. I'm sure nangyayari din ito sa totoong buhay dahil sa mga panahon ngayon madami na talaga ang gumagawa ng masama para sa sariling kapakanan lamang.
Walang Hanggan nila Coco Martin, Julia Montes, Richard Gomez, Dawn Zulueta and many more. |
Ito namang Walang Hanggan or Eternity in English is more on true love, pagpaparaya, inggit, galit, kasakiman at paghihigante. Hindi naman sya ganun ka brutal pero madami din tayong makukuhang lessons na pwede natin i- apply sa sarili nating buhay. Based din ang telenovela na ito sa 1991 Gomez-Zulueta film Hihintayin Kita Sa Langit.
I'll give credit din sa acting ng mga actors and actresses dito dahil talaga namang magagaling. Syempre maganda din story maski minsan predictable na ang mga susunod na mangyayari. Pero all in all nakakaaliw pa din at nakakatanggal din ng stress. :)
How about you mahilig ka din ba sa telenovela? Ma drama din ba buhay mo?
Have a Nice Day!
joy
Tuesday, June 26, 2012
Welcome to my first ever blog!
Hi there! To start my blog, I'd like to introduce first myself to all of you who shared their time to visit and read my blog. I'm Joy dela Cuesta, I'm a wife, a working mom with a cute daughter named Sofia. I've been reading other blogs for a year na siguro and I enjoyed reading them and made me realized what if I create my own kaya? Try lang, feeling ko kasi minsan magandang outlet ito to share thoughts, ideas, feelings, interests and of course experiences in life whether it may be good or bad. Basically, my blog will be more on my everyday life experiences as a mom, a wife, a daughter and a friend and of course anything na pwedeng pag usapan under the sun :)...for now..ganito lang muna since its my first blog palang naman. I promise I'll try to post more interesting topics next time. See you around... :)
Subscribe to:
Posts (Atom)