Nuffnang Ads

Friday, July 27, 2012

pilyo

One time nag uusap kami ng nanay ko about sa mga nangyayari or update sa school ng anak ko.  Siya kasi ang araw araw na naghahatid -sundo sa anak ko.  Nakwento nya na meron daw classmate na boy ang anak ko na panay daw ang kwento ng boy na yun sa nanay nya na girlfriend nya daw ang anak ko.  Grabeh, nursery palang ha pero alam na ang mga bagay na yan.  Iba na talaga mga bata ngayon. Noong isang beses nga daw pagdating daw sa school ng anak ko, nagkataon na nandoon na sa room yung boy at yung nanay.  Noong nakita daw yung anak ko sabi daw ng boy, "Mama, yan si Sofia yung girlfriend ko!" Ito namang anak ko dedma lang daw, malay ba naman nya kung ano yun.  Tapos daw tinukso na daw ng mga classmates nila yung boy, tinanong daw nila kung bakit niya nasabing girlfriend si Sofia.  Sagot daw ng boy, "kasi maganda sya." Just simple as that lang.  Nayy...noong narinig ko yung kwento ng nanay ko, bigla akong kinabahan, nag alala at biglang nag fast forward ang aking isipan.  Paano na nga pala kapag dumating ang time na nililigawan na ang anak ko?  Parang hindi ko pa yata kayang isipin yung ganun.  Umiral na naman ang pagiging over-protective ko.  Kaya ang ginawa ko kinausap ko agad ang anak ko.  Sinabi ko, next time kapag sinabi ulit sayo ng classmate mong boy na girlfriend ka nya sabihin mo na "Tseh! Isusumbong kita sa Daddy ko!" hahahaha..pati ako natatawa sa pinagagawa ko pero ang totoo nyan worried ako.  Ayoko pa kasi sana ma expose sa ganung mga bagay ang anak ko, Diyos ko naman 3 years old palang sya ano?   Bakit ba naman kasi yung ibang mga parents hindi yata pinaiiral ang Parental Guidance sa loob ng pamamahay nila.  Kaya naman hanggang sa school nadadala ang mga kapilyuhan nila na pati mga walang kamuwang muwang ay na-impluwensyahan.  Nakakabahala kasi ang mga kabataan ngayon, masyadong advanced.  Naalala ko noong time ko parang highschool na yata ako na involved sa mga ganoong tuksuhan.  Pati tuloy ang asawa ko nabahala din ng na ikwento ko sa kanya.  Mag schedule daw sya ng araw na sya maghahatid sa anak ko sa school. Wala naman daw syang gagawin kundi titigan lang daw ng masama yong bata. Parang gusto nya mangyari makuha ka sa tingin...hahahaha.(patulan ba naman ang bata)

Hanggang ngayon daw ganun pa din daw ang tuksuhan nila sa school at balita ko pa naging 3 boys na daw ang nagki claim na girlfriend nila ang anak ko..Susme ...mga batang ito sarap hilahin ang mga tenga grabeh! 



:) joy


Thursday, July 26, 2012

hard to feed child

Aloha! How are you guys?


Rainy season na and panahon na naman ng sakit.  Normal na ang ubo at sipon hindi lang sa mga bata but pati din sa mga matatanda na.  For me, pinaka ayoko talaga magkaroon ng sipon bukod sa masakit sa ulo ay mahirap pa huminga at parang pati ears mo apektado din.  Kaya naman hanggat maari I make sure na nabibigyan ko ng enough shield ang anak sa pamamagitan ng pagpainom ng mga Vitamins para lalo lumakas ang resistensya nya at malabanan nya ang mga virus, bacteria, germs na nakapaligid sa kanya.  Ang hirap lang sa anak ko tuwing nagkakasipon o ubo laging may kasamang lagnat.  Syempre kapag may lagnat ang bata, nandun yung wala sya sa mood at syempre ang bilis nya pumayat.   Likewise kaming parents ganun din hindi rin makatulog ng maayos dahil syempre maski tulog ang bata kailangan i monitor pa rin ang temperature mahirap na baka di natin mamalayan tumirik na pala mata sa sobrang taas ng lagnat. 

Isa pang problema ko sa anak ko, kasi sa edad nyang 3 years old, ang hirap nyang pakainin.  Kung anu ano na ang binigay ko vitamins para lang maging ganado sya sa pagkain wa epek pa din.  Sobrang dependent pa din sya sa gatas until now.   Minsan nga halos buong araw gatas lang ang laman ng tiyan nya.  Pagdating sa kanin, napakahirap nya pakainin.  Unless nalang kung sinigang ang ulam, medyo kumakain din ng konti.   Kaso hindi naman pwede araw araw sinigang ang ulam.  Minsan naman yung kanin hinahaluan ng chocolate powder (Milo) para lang kumain.  Kaya naman ganun nalang ang ingit ko sa ibang bata na talagang ganadong kumain.  Di ba nga usually ang favorite na pagkain ng bata ay spaghetti at chicken?  Sya hindi,  kapag type lang nya doon lang sya kakain, maski Jollibee pa yan kapag di nya type kumain hindi talaga kakain.  Good thing hindi naman sya under weight sa edad nya, kaso syempre mas gusto ko pa din sana na medyo magkalaman ang katawan nya.   Mas ok sana kung matoto syang kumain ng totoong food like yung kinakain natin sa dinner  syempre para magkaroon din sya ng enough vitamins, nutrients na kailangan ng katawan.  Like ngayon nag aaral na sya, problema ko din kasi yung baon nya hindi nya masyado kinakain.  Maski mag prepare pa ako ng sandwich, magluto ng pancakes at kung anu ano pa.  Hindi pa rin nya magustuhan. More on liquid lang sya.  Ewan ko ba kung saan nagmana ito kasi kaming mga parents nya hindi naman ganun.  Maski ako noong maliit ako hindi naman ako pihikan sa pagkain ganun din ang asawa ko.  Pero bigyan mo ng chocolates at ice cream hay naku maski inuubo hindi matitiis at kakainin nya talaga.

Grabe.. :(

joy

Saturday, July 21, 2012

school worries

Motherhood is not an easy thing talaga..agree ba kayo dyan?  Hay naku, being a first time mom, lahat ng bagay in relation sa mothering  ay bago talaga and everyday is always a new experience to me.  I  only have one child and she is 3 going 4 years old this coming August.  I enrolled her this school year as nursery sa isang learning center.  Marami kasing nag recommend sa kin ng learning school na iyo so doon ko sya pinasok.  So far, in  2 months mula ng nag start mag aral anak ko, madami na ako na observed na pagbabago sa kanya, madami na din sya natutunan like alphabet, drawings, colors, shapes, numbers and many more.  Lahat yun natutunan nya sa school and of course with the help na din namin sa kanya.  I'm so proud sa kanya.  Ang problema ko lang sa learning school na yun ay naka closed door ang classes nila and there's no chance for the bantay or parents na sumilip kung ano ang ginagawa nila sa  class.  On the other hand, ok naman yung ganun dahil naka concentrate ang mga kids sa lesson nila at natuto sila maging independent for a while. Tinatanong nalang namin yung anak ko kung ano ang mga ginawa nila sa loob ng room after na ng class nila. 


 Recently lang may daughter had an accident sa loob ng classroom nila.  Palabas na daw that time yung daughter ko sa room ng itong classmate nyang babae, tinumba yung monobloc table, tama lang naman dumadaan ang anak ko saka naman tumama yung paa ng lamesa sa kanang pisngi nya malapit pa naman sa mata.  Although hindi sinasadya pero nakakainis at nakaka worry din ang mga ganung incident sa loob ng classroom.  Sobrang iyak ng iyak ang anak ko that time hanggang sa nakauwi sa bahay namin.  Nagkaroon siya ng pasa at galos pisngi dahil doon sa nangyari.  Bilang ina, masakit isipin na nasaktan ang anak mo lalo pa kung talagang alagang alaga mo na halos ayaw mo nga padapuan ng langaw.  Well, dahil nga hindi maiiwasan ang disgrasya so kailangan nalang mag ingat next time. 

Also recently lang din, yung isang mommy ng classmate/seatmate ng anak ko, kinausap nya yung mother ko na siyang naghahatid -sunod sa anak ko sa school.  Nakita daw ng mommy na yon may pasa daw yung anak nya sa braso. Noong tinanong daw ng mommy na yon ang  anak nya kung ano nangyari doon, sagot daw ng anak nya, kinurot daw sya ng anak ko.  E syempre hindi naman agad kami naniwala kasi hindi naman ganun ang anak ko.  Maski malikot yun hindi sya palaaway.  Of course, tinanong din namin ang anak ko kung sya nga ba kumurot sa seatmate nya. Ang sagot ng anak ko hindi daw sya.  Tapos nagkuwento naman din ang anak ko sa akin na yung isang classmate daw nila na boy ang kumurot.  Hay grabe, nakaka stress din..hehehe... Umpisa palang yan how much more kaya kapag nasa malaking school na sya.  Sana naman hindi na maulit ang mga ganyang pangyayari.  Syempre hanggat maari ayaw mo na masasaktan ang anak mo at the same time mananakit ang anak mo sa iba kaya talagang todo pangaral  ako ngayon sa anak ko, sana naman isa-isip nya lahat ng sinasabi ko although she's still too young pa talaga, and I am not sure kung nag aabsorb lahat ng sinasabi ko sa kanya.

How about you? May experience din bang ganun ang anak mo sa school?

joy

Thursday, July 12, 2012

what a day with mr. taxi driver!

Hello there! Kamusta na kayo? Sorry hindi agad ako nakapag update sa inyo.  I was so busy kasi kaya wala rin sa focus mag isip ng ikukwento sa inyo.  

Late na naman ako ng 5 minutes sa work today dahil late na ako gumising kasi sobrang antok pa ako.  Well, dahil siguro last night, nanood pa kasi ako at nag-abang sa necrological service para kay Dolphy.  Nakaka touched ang ganyang moment kaya hindi mo maiwasan ma carried -away.  Actually, hindi ko pa nga napanood in full kasi palipat lipat kasi ng channel, ganyan kami kapag nanonood para mapag bigyan lahat.  Ang ending hindi mo nakukumpleto ang palabas kaya useless din..hehehe. 

Anyway, dahil sa nagmamadali nga ako pumasok, nag taxi na ako para mabilis.  So hayun pumara na ako ng taxi. Pagkapasok ko sa loob ng taxi sabi ko agad:

me: " kuya, sa bangkal po, sa hi-way nalang po tayo dumaan"..

taxi driver:  "oo doon naman talaga ang daan"

me:  (antipatiko 'to ha!) ok.. kasi yung ibang taxi, sa vito cruz dumadaan kapag di ko sinasabing  hi-way po tayo dumaan"

taxi driver: "maski san ma'am na sabihin nyo basta  may tip"

me:  (asar)  ganun??

taxi driver:  hehehe... (evil laugh)

So tuloy na ang biyahe. 

Pagdating sa area ng office namin, tiningnan ko yung fare counter ng taxi saka inabot ko na bayad ko na Php 100 dahil Php 99.50 ang taxi fare ko.  Aba, ang lolo ayaw pa tanggapin ang bayad ko, dagdagan ko daw maski Php20 lang.  E syempre ako tumaas agad ang kilay ko dahil exage naman talaga itong driver. May minimum amount pa talaga syang nalalaman para sa tip na hinihingi nya.  Kaya sinabi ko sa kanya, "kuya, Php 99.50 lang ang bill ko, bakit kailangan mo pa ako obligahin magdagdag ng Php20?  Sabay inabot ko na sa kamay nya yung Php100 na bayad ko at lumabas na agad ako ng taxi nya.  Ang tagal pa nya umalis parang hinintay pa nya yata ako pumasok  sa loob ng building.  Siguro tinatandaan nya ang mukha ko para kapag nagkataon na magtiyepuhan nya ulit ako pumapara ng taxi ay hindi na nya ako pasasakayin..hahaha.  Nakakainis lang kasi ang mga ganyang ugali ng ibang tao.  Sa pagkakaalam ko kasi ang TIP ay binibigay mo ng kusa at bukal sa loob mo dahil sa nagustuhan or satisfied ka sa serbisyo binigay sa iyo.  Hindi naman ako kuripot na tao, maski sa restaurant nga kapag kumakain kami, maski hirap hagilapin ang waiter nagbibigay pa din ako ng tip dahil gusto ko.  Ayoko lang ng ganyang pinangungunahan ako at inoobliga pa na magbigay.  Hay naku, kakasira ng araw.  Speaking of mga taxi ang dami ko talagang mga bad experiences sa kanila.  Like yung iba, namimili pa ng lugar na pupuntahan.  Yung iba dadayain ka,  dahil don sa tinatawag na "batingting" na pinabibilis ang patak mg metro kaya magugulat ka nalang ang laki ng babayarain mo sa pagbaba mo.  Yung iba naman hindi ka man lang tulungan mag unload ng mga gamit pero gusto may tip.  Yung iba, hindi nagbibigay ng tamang sukli at resibo. Pinaka worse pa yung experience ng ilan na hino hold up pa ang pasahero.  Hindi ko nilalahat ang mga taxi driver pero maraming ganun  base sa sarili kong experience.  Sana mabago na ang ganung kalakaran para hindi naman madamay ang iba na naghahanapbuhay lang ng maayos at gumagawa lang ng tama.

Have a nice day!

joy

Monday, July 09, 2012

I love seat sale

Hello there! How's your weekend?  For me, ok naman.  Medyo frustrated lang dahil late ko na nabasa yung announcement ng isang airline company ng seat sale nila.   Kung naging maagap lang sana ako, saktong sakto pa naman yung travel period  sa balak naming schedule.  I'm planning sana pumunta sa Boracay on February together with my family in time sana sa birthday ko.  Kaso late na noong malaman ko ang sale.  Sayang talaga.  Hayy..better luck next time.  Sana magkaroon pa ulit ng seat sale. 

Ang galing talaga ng idea ng mga airlines na seat sale dahil nabibigyan ng chance ang lahat na magbiyahe ng hindi na nag titiyaga sa tagal ng byahe ng bus at barko.  Naalala ko nga dati, kapag lumuluwas ng Maynila ang mga kamag anak namin galing Leyte kailangan nila magbyahe ng halos isang araw sa bus. Ganun din kung sa barko, halos isang araw din na palutang lutang sa karagatan bago makarating sa pupuntahan.  Pero ngayon, dahil sa seat sale nakaka avail na sila ng mga discounted rates ng airlines, so imbes na 24 hours na byahe nagiging 45minutes nalang dahil sa eroplano na ang sinasakyan nila.   Maski naman ako, hindi ako magbabalak ng bakasyon kung hindi rin lang sale ang makukuha kong airfare.  Ang laki kaya ng difference compare sa regular fare.  Like yung last year namin na bakasyon sa Cebu, sale din ang ticket namin noon, around Php 600 lang yata roundtrip na.  O di ba?  Yung ticket din namin papuntang Leyte next month, nakuha ko lang ng Php800 round trip na din.  Kung sa regular fare yata siguro aabot din ng Php 3,000 to 5,000 yata ang roundtrip per passenger.  So malaking katipiran talaga, ma eenjoy mo pa ng husto ang bakasyon mo dahil yung natipid mo sa airfare sa ibang bagay mo nalang gastusin like sa pamamasyal sa place na pupuntahan ninyo o di kaya sa mga food na gusto ninyo tikman sa place na iyon.  So kayo na gusto mag vacation at a minimal cost lang, why not make abang of those seat sale pakulo ng mga airlines.  Makaka tiyempo din kayo ng sale.  Darating din ang panahon maiikot din natin ang buong Pilipinas and later on buong mundo naman dahil sa sale na yan. :D


enjoy your week!


joy

Friday, July 06, 2012

Congrats Design Dept!

Hi guys! Happy Saturday to all of you! Time to unwind, relax, and rest para sa mga walang pasok today like me.  Medyo masakit ang lalamunan ko ngayon gawa ng kasisigaw ko kahapon para suportahan ang group namin sa Cheering competition ng company namin.  Revelation time na ng nanalo sa cheering competition na ginawa kaninang hapon.  Syempre ang nanalo ay.......... hindi kami! Wait lang,  may valid reason naman kami, just like what I've said sa blog ko yesterday, 2 days lang ang practice nila dahil sa sobrang busy din sa work at isa pa ang hirap bumuo ng participants na galing pa sa kung saan saang lugar.  Siguro kung nakapag practice lang sila ng madaming beses, I'm sure malaki ang chance na manalo sila dahil  deserving din naman ang mga participants namin (bitterness lang ang peg! hehe) So hayun, congrats nalang din sa mga nanalo lalo na sa naging champion team (Design Dept) We're happy for you guys and of course proud din kami lalo na at naging magkakampi naman tayo for so many years (totoo yan guys! pwera biro) Tadhana lang naman ang naghiwalay sa atin hahahaha...  O sya kita kits nalang sa main event ha? (go Green Team!) :D

Happy weekend!

joy


Basketball fanatics

Hello! musta kayo? Sorry ngayon lang ulit ako nagparamdam.  I was so busy kasi yesterday alam nyo naman working mom din ako.  I was so ngarag  yesterday dahil sa preparation ng Inter-Department Basketball tournament ng company namin at isa ako sa naatasan na mag asikaso ng mga participants ng aming department. As usual last minute preparation dahil ngayon na, as in now na ang presentation at noong last Thursday lang nag umpisa mag rehearse at bumuo ng cheer dance group namin. Hayy...kaka -stress talaga dahil kapag walang ma ipresent ako ang mananagot sa aming big boss..oh no!  

So hayun dahil sanay na tayo sa mga ganyang last minute preparation, nagtiwala nalang ako sa kakayahan ng mga participants and I am glad to know na nakabuo din sila maski last minute presentation.  Hindi na lang kami aasa na manalo dahil yung ibang department mga 1 month na yata nag rehearse.  Pero syempre nothing is impossible naman malay mo kami ang i declare na winner mamaya..hahaha.  Fighting spirit lang naman katapat dyan. Well, tingnan nalang natin mamaya at ibabalita ko rin sa inyo later on kung ano nangyari.

So hayun kagabi habang pauwi ako after ko mag gym, nagbalik-tanaw sa isip ko yung kasikatan dati ng Ginebra- Alaska bastketball team ng PBA. Kung hindi ako nagkakamali, 1997-1999 yata yun basta  I was in college noong naging hot topic lagi ang PBA games lalo na yung matinding labanan ng Ginebra-Alaska 


 Ang coach pa dati ay si Robert "The Legend" Jaworksi at sa Alaska na naman na ang coach  ay si Tim Cone.  Ang mga sikat na players pa dati ng Ginebra ay sina Val David, Vince Hizon, Pido Jarencio, Dudut Jaworski, Jayvee, Marlo Aquino at marami pang iba.  


At sa Alaska naman ay sina Johnny Abbarientos, Jojo Lastimoso, Sean Chambers, Jeffrey Cariaso, Bolado at madami pa na hindi ko na ma recall ang mga names at feeling ko wala na rin yata yung ibang players sa current PBA Teams.

 Going back sa time na yan.  Grabe talaga ang kasikatan nila dati.  Lalo na kapag championship na, iba ang atmosphere.  Lahat yata nag aabang sa game, syempre yung iba may mga pusta, yung iba naman mga die- hard fans lang talaga like me.  Actually sa bahay namin dati, hating-hati kami pagdating sa kampihan ng basketball team.  Lahat ng male members ng family namin sa Ginebra sila tapos yung the rest kasama na ako doon ay sa Alaska team  naman.  Minsan pa nga, dumadating ang time na nagkaka personalan na din kami sa bahay tuwing nanonood ng game ng Ginebra at Alaska..hahaha. Nagkakapikunan kasi dahil nag aasaran.  Masyadong dibdiban ang laro noon na kung tutuusin ay di naman dapat dahil keber naman ng mga players kung todo suporta ka sa kanila e di naman ka rin naman nila kilala personally..hehehe.. As in may mga nababalitaan pa nga ako dati na nauuwi pa sa trahedya dahil lang sa pustahan ng game na yan.  Ganun ka seryoso ang mga Pinoy dati pagdating sa ganyan. Tapos there was one season na nag composed pa ng kanta si Gary Granada "Pag Nanalo ang Ginebra"  for Ginebra team, at maski hindi ako maka Ginebra, ay na touched ako at napaluha pa sa kanta kasi naman laging natatalo ang Ginebra dati against Alaska that time kaya siguro nag conposed ng kanta na yun to boost up their morals.  Alala ko din dati ang bahay namin, tadtad ng dikit ng posters ng kanya kanyang team na gusto kaya tuloy parang  Cuneta Astrodome na ang bahay namin dati..hehehe.  Those are memories lang from the past. Syempre dahil dyan bigla ko tuloy na miss yung Tatay ko na die- hard fan din ng Ginebra.  Minsan kaagaw pa namin sa panonood sa nag iisa naming TV, gusto namin manood ng telenovela, sya naman gusto manood ng basketball.  E syempre sya ang masusunod kaya hayun tuloy nakahiligan nalang din  namin manood ng basketball. Para hindi na maguluhan ang TV namin. hahaha.  Pero noon pa yun dahil sa ngayon hindi na kami updated sa PBA.  Actually hindi ko na nga rin  kilala ang mga Teams ng PBA at kung sinu sino ang mga sikat at magagaling na players sa ngayon.  Pero I'm sure enjoy pa din manood ng game na yan lalo na tayong mga Pinoy mahilig sa basketball.


Happy Weekend!

joy

Wednesday, July 04, 2012

Leyte

It's been 8 months since the time na nagkukumahog ako mag book online ng seat sale isang airline para sa  plane ticket for our planned entire family vacation to our hometown, Leyte.  I was so lucky dahil nakakuha ako ng sale ticket na roundtrip na for only Php 800 lang.  O di ba, murang mura na.  For those who are not yet familiar with the place, dahil hindi naman sya well-known travel destination like Cebu, Palawan, Boracay, Bohol and etc.  Leyte is known of its  Leyte Landing Memorial Park in Red Beach, Palo, wherein we can find  the spot or monument where American liberation forces of General Douglas MacArthur landed.
Leyte is also known by its famous San Juanico bridge, na sabi nila ay ito na yata ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas,  more or less 2 km travel.  Kilala din ito as Marcos bridge dahil ito ay ginawa during ng Marcos regime na kung saan ito ay project ni Imelda Marcos na isa ring native from Leyte para sa kanyang mga kababayan.  Ang bridge na ito ay nagdudugtong ng Samar Island at Leyte.


So hayun may konting idea na kayo sa province ko. 

Excited na kasi ako sa aming pagbabalik probinsya since nag migrate (hehehe)  kami dito sa Manila noong 1995 until now dalawang beses palang kami nakauwi doon noong 1998 at 2005 pa yata.  So I'm sure madami ng pagbabago doon and I've heard nga na ang dami na ng development doon lalo na sa mga lupa. Like yung mga rice fields was transformed na into subdivisions, yung mga coconut plantation or vacant lot natayuan na ng mga sikat at malalaking department store.  Yung dating mga stores, call centers, establishment na dito lang sa Manila matatagpuan ay meron na rin daw doon sa ngayon.  So in short, for the past years, may progress na rin pala yung place namin na dating tahimik at simple lang ang pamumuhay.  Somehow, natutuwa naman ako dahil at least hindi napag iiwanan ang aming probinsya.  Kaso naisip ko, baka hindi ko na rin ma appreciate ang mga bagay bagay na madadatnan ko doon dahil mas gusto ko pa rin sana balikan doon yung aking mga naiwan at nabuong good memories mula noong bata pa ako. Lalo na doon sa bahay na kung saan kami lumaki at nagkaisip.  Kaso wala na yun dahil nabenta na ng aking mga parents.  Minsan nga naisip ko, if one day magkaroon ako ng pera, bibilhin ko ulit yung house namin doon kasi sobrang nanghinayang talaga ako dahil ang daming good memroies na nabuo sa bahay na yun kasama ang buong family ko. Maski simple lang ang buhay namin dati doon masasabi ko na naging masaya din ang childhood ko.  Sobrang payak lang ang buhay namin dati although mahirap pero masaya. Imagine mo, ang buhay probinsya namin dati.  Lahat ng oras doon mahalaga at talagang naka schedule.  Like paggising sa umaga, dapat hindi ka lalagpas ng 7AM gising ka na.  Dapat may magawa ka munang household chores bago makapag almusal.  Eksaktong 12noon kakain.  Kailangan sabay sabay pa kumain or else magagalit ang aming padre de pamilya.  After lunch, sietsa na. Sleeping time until 3PM, with background drama sa radyo. After matulog, pwede na maglaro ang mga bata at yung mga matatanda naman ay nagkikipag kwentuhan sa mga kapitbahayor gumagawa ng mga gawaing bahay hanggang 6PM.  After  6PM wala na dapat bata sa labas  dahil may mga pinaniniwalaang kasabihan na kesyo makakasagi na ng duwende at kung anu ano pa. Kailangan nang maglinis ng katawan in preparation sa dinner na usually ay 7PM.  After dinner, kailangan tumulong sa gawaing bahay hanggang sa matapos maglinis ng dapat linisin at dapt ligpitin. After that pwede na manood ng TV hanggang 9PM. Kapag dinalaw na ng antok matutulog na naman. Di ba ang boring ng buhay doon? Dati yon, pero ngayon ibang iba na daw. Well, wala tayong magagawa dyan dahil 20th century na ngayon at kailangan ding mag evolve ang tao..hehehe..

Isa pang nami miss ko sa probinsya namin ay yung mga pagkain syempre.  Nakatikim na ba kayo nito?  Ito ang tinatawag na Chocolate Moron ng Leyte or sa iba ay Chocolate Suman.  Its made of Malagkit  Rice then flavored with Cacao (chocolate) coconut milk then to make it special, nilalagyan pa ng peanuts and cheese.  Kung mapasyal kayo sa Leyte, don't miss to have a taste of this.



Ito ding tinatawag na Binagol ng Leyte, made of root crops sya parang family ng "gabi" na may taste na ng caramel ang gitna dahil sa coconut milk at sugar and many more na pinagsama sama.  Sarap din nito grabe!


Syempre, hindi rin matatawaran ang sarap ng mga dried fishes dito. Iba't ibang klase ng fish dito mo matatagpuan.  Maaliw ka pa kapag bibili ka ng dried fish dahil dito sa aming probinsya yung mga dried fish vendors dito, "singing vendors" din dahil habang binibilang at nilalagay nila yung fish na binili mo  sa supot pakanta ang pagbilang nila as in to the tune of kundiman pa nga yata..hehehe..ngayon kung nagmamadali ka, sorry ka nalang dahil kailangan mo maghintay hanggang sa matapos sila kumanta or else hindi mo makukuha yung binili mong dried fish.. hahaha...Ewan ko lang kung buhay pa ang mga vendors na ito at kung tuloy pa din ba ang practice na ito sa mga dried fish market doon.

Well, hayun ilan lang yan sa mga gusto ko balikan doon sa Leyte sa darating na August kung saan kami ay uuwi at magbabakasyon ng isang linggo. Yehey! Sana maganda ang weather at hindi kami abutan ng bagyo doon.  Lord please.

Have a nice day!

joy

Tuesday, July 03, 2012

tuwing umuulan at kapiling ka

Rainy season is here! Grabe, ang hirap na naman gumising  in the morning dahil mas masarap sumiksik sa kumot at mag extend pa ng tulog. Kaso kailangan talaga bumangon at mag prepare off to work  or else walang kakainin ang pamilya kung hindi magtatrabaho..hehe.. Syempre di mawawala ang trapik at kakambal na dyan ang hirap sumakay, isama na natin ang baha everywhere. O di ba it's more fun in the Philippines! Sabagay, nasanay na tayong mga pinoy sa ganyang event so keri nalang yan teh! Kaya naman naisip ko instead na isipin ang mga ganyang abala sa ating buhay tuwing umuulan.  Why not think of yummy foods na masarap kainin or iluto tuwing tag ulan.  I'm sure halos lahat yata madaling magutom kapag umuulan, bakit kaya ganun? Kayo rin ba ganun din ang feeling? Kasi ako maski hindi umuulan ganun e...hehehe... Ilan lang ito sa masasarap kainin kapag umuulan, siguro madami din sa inyo ang may gusto nito:

champorado at tuyo


Grabe, ang yummy nito..combination ng sweet and salty.  Yung tangy taste ng tuyo nawawala because of the sweetness ng champorado.

Chicken Macaroni Soup with egg



I like this because yung richness and creaminess ng soup  plus the soft textures ng  meat then yung favorite ko na nilagang itlog.


Sinigang



Ito naman ang masarap na ulam together with kanin.  Sa super asim nito at init ng sabaw talagang pag papawisan ka to the maximum level.

Instant Noodles

Ito naman para sa always on the go. No time to cook kaya instant ang kasagutan.

Those are samples lang ng comfort foods na masarap ihain tuwing umuulan. Hay naku, makapagluto na nga bigla akong ginutom..hehe..

See yah!

joy

Monday, July 02, 2012

tamang senti

Sometimes in life, di mo maintindihan bakit kung minsan ang mga pagsubok ay  halos sabay sabay, sunud sunod dumating sa buhay natin.  Minsan maski anong taimtim na ng prayers at faith mo minsan hindi pa rin enough para mawala totally ang mga hinaharap na mga problema sa buhay.  In my own experience,  Mula noong nagkaroon ako ng pag unawa kung ano ang ibig sabihin ng problema,  masasabi ko na mula yata noon hanggang ngayon hindi talaga ako tinatantanan ng problema.  Minsan umalis ng saglit tapos babalik din agad.   Ang daming klase ng problema,  like problema sa personal na buhay like boyfriend, asawa, family,  sa trabaho, sa finances, health, sa pag aaral, at madami pang iba.  Minsan pa nga pati problema ng may problema pino problema mo na rin.  Life is so hard talaga.  Sabi nga nila, maski yung pinaka mayaman na tao sa mundo malaki pa din ang problema on how they will spend their money, or how will they protect their lives against doon sa may mga interest sa kanila at madami pang iba.  Sa tingin  ko, wala nama talagang tao dito sa mundo ang hindi nakaranas ng problema.  So pare parehas lang.  Kaya ako, imbes na dibdibin ko masyado ang problema, iniisip ko nalang na kaya dumadating ang problema sa kin dahil alam ni God na kaya kong malampasan lahat ng trials, i have the strength to overcome all problems and of course I have the strong faith sa Kanya.  There's no reason to give up lalo na kung alam mo naman na malakas ang pananalig mo sa Diyos at may  tiwala ka sa sarili.   Naniniwala naman ako na after the storm may rainbow lagi sa huli.  At mas masarap damhin ang ganun kasiyahan dahil ramdam na ramdam mo ang Diyos na kumikilos sa buhay mo. 
Share ko lang din itong nabasa ko sa isang post sa facebook.

God's 3 Answer to our Prayers
1. Yes
2. Not yet
3. I have something better in mind.

Kaya sa lahat ng may pinagdadaanan ngayon, don't worry.  God always answer to all our prayers.  Just wait for the right time to come.


Have A Blessed Week Ahead!

joy