Hi dear readers! Advance Merry Christmas to all! We are already on the last month of the year. I'm quiet sure many of you are very excited for the Christmas. As we all know December is the month of non stop partying and spending much. Halos every week or even everyday ang mga Christmas parties and reunions na ginaganap especially kung ikaw ay maraming friendship. Minsan kulang pa ang time mo para mapuntahan lahat ng parties. IF you are working of course nandyan din ang stress sa work lalo na at palapit na din ang Christmas vacation so lahat nagmamadali na matapos agad ang mga deadlines or commitments sa office. para makapag file na ng Vacation Leave. For the past years isa ako sa ganyan ang feeling tuwing sasapit ang pasko. Sobrang aligaga na minsan halos di na kami nagkakausap ng family ko dahil lagi na ako busy sa work at super late umuuwi from work at pagdating sa bahay pagod na pagod na at wala na ako gustong gawin pa kundi ang matulog at magpahinga nalang para makapag recharge for the next day battle na naman sa work. But now medyo may konting twist dahil nagkaroon ng sudden changes sa life ko at sa career ko. I resigned from my work a couple of months ago hoping to search a better opportunity from other industry or company. As of now, I'm still in the process of completing my personal papers to be able for me to transfer to another office/company and hopefully by January I can start my new work and new life again. (Please help me pray for the success of my career)
For the past weeks, I just stayed home with my daughter and helping my mom in taking care of the needs of my daughter as well in our home. We do not have maid for now so sometimes I do the household chores like cleaning the house, doing the laundry and taking care of my daughter. It's so hard but worth it especially that me and my daughter became much closer dahil nakikita nya ako palagi. Minsan naglalambing pa sa akin na ako ang maghatid sa kanya sa school instead of my mom. Kaso pina uubaya ko na sa mom ko ang paghatid sunod sa school dahil mas sanay na sya sa ganun at madami na sya mga friendship na mga parents din ng mga classmates ng anak ko. Natutuwa naman din ako dahil nag eenjoy sya sa everyday activity nya dahil nakahanap sya ng mga bagong friends at makakausap. Since my daughter was born, my mom was the one taking care of her until now kaya matindi din ang bonding ng mag lola. I am very thankful that I have my mom to look over my child while I was working. Iba pa rin talaga kung kadugo mo ang nag aalaga sa anak mo, less worry and you're sure na inaalagaan talaga ng mahusay ang anak mo. So thank you talaga sa mother ko.
Lately I've been experiencing this feeling na bigla nalang ako nalulungkot lalo na kapag nag iisa lang ako or wala akong magawa. Bigla kong nami miss ang dati kong work at ang mga kasamahan ko dati sa work. Almost 6 years din ako doon at hindi biro ang naging bonding ko sa mga kasamahan ko sa office dati. Kaso I have to decide and I want to find my true happiness. Hindi pa rin kasi masusukat sa tagal ng panahon mo manilbihan sa isang kumpanya ang happiness mo. I know myself, simple lang akong tao at hindi ako mapag hangad ng sobra. Naniniwala kasi ako na maski gaano ka stressful ang work dapat masaya ka pa din at nandun pa rin ang feeling of excitement tuwing papasok ka sa trabaho. Pero kung ang pakiramdam mo ay tuwing gigising ka sa umaga na iisipin mo palang ang work mo ay pagod ka na at sumasama agad pakiramdam mo,well that's the time na kelangan mo na timbangin ang sarili mo. For me, I've realized na hindi lang naman sa sweldo mapapasaya sa buhay ko, importante pa rin ang good working relationship. Dahil kung may ganun relationship, magaan lahat dalhin maski gaano pa ka stressful ang trabaho. Respect sa bawat isa, maski ano pa mang position ang hawak mo. We are all created equally by God so I believe maski ano pa man estado mo sa buhay you deserved to be respected especially kung naging mabuti ka naman.
Nevertheless, nahihirapan pa din ako mag move on. Parang break up lang sa boyfriend ang feeling. Yung attachment mo kasi, yung puso mo nandun pa din pero yung isip mo nagsasabi na you have to move on if you want to be happy. Well, I guess time will heal all the heartbreaks and disappointments. I believe this is just a part of the process that I have to go through so I have to be more stronger. I know time will come that everything will fall into each places again. I just need to be more patient and look forward to the day where everything's going to be alright again.
Cheers!
joy
No comments:
Post a Comment