Nuffnang Ads

Saturday, January 19, 2013

Anniversary

Hi!

This month, my husband and I celebrated our 9th year wedding anniversary.  I was glad after all kami pa rin until now and getting even better pa ang takbo ng relationship namin as  a couple.  Though civil wedding pa lang kami kinasal,  I have all this hopes na matuloy ang renewal of vows namin  next year sa church naman syempre as a Catholic, I  still wanted to have blessings from the Lord.  Anyway, wala naman problema, as long as we still love each other, maski simple lang na church wedding ok na yan.  Sabi ko nga sa hubby ko, maski  wala nalang bisita, kami lang ang importante magkaroon kami ng blessings from the Lord.

This year hindi kami lumabas or nag date mag asawa, not the usual years na lagi kami lumalabas kapag anniversary namin.  Kain sa labas, nood movie pasyal.  This year sa bahay lang kami, bumili lang sya ng food then pinag saluhan namin mag anak.  Masaya na rin kami, ang importante magkasama kaming lahat.  

Gusto ko lang sana i share sa inyo ang aming love story at kung paano kami nagmamahalan at inabot namin ang ganito katagal na panahon.  Sa panahon kasi ngayon, bihira na ang nagtatagal ang pagsasama bilang  mag asawa. Kaya I am very thankful kay Lord na patuloy nyang bini bless ang ginagabayan ang aming married life.  Hindi kami perfect couple dahil madami din kami dinaanan at patuloy na pinagdadaanang mga trials sa buhay mag asawa.  Ilang beses na din tuwing nagkakagalit kami minsan naiisip ko na maghiwalay nalang kami.  Pero dahil sa gabay ng Holy Spirit, naliliwanagan ang aming mga isip at nauuwi rin sa pagbabatian at pagsisikap na mas lalo pang maging maunawain at habaan pa lalo ang pasensya.  Kaya naman hanggang ngayon ay magkasama pa din kami.  

Naalala ko pa noong boyfriend ko palang sya.  Hindi naging madali ang aming relasyon dahil ang daming sagabal at pumipigil sa amin.  Kaso, kung talagang meant to be kayo, walang sinuman makakahadlang harangan man ng sibat.  Isang taon lang kami nagkasama talaga as bf/gf dahil nag decide sya na mag work abroad.  Akala ko that time noong umalis na sya ay end na din ng relasyon namin katulad ng karamihan na nangyayari.  Ngunit, nakita ko yung pagpupursige nya na mag reach out sa akin.  Take note, wala akong cellphone, walang landline, walang computer sa bahay.  So paano kami regular na mag uusap?  Pero after a month mula ng pag alis nya, nakatanggap agad ako ng sulat sa kanya.  Tuwang tuwa ako dahil akala ko limutan na talaga.  So mula noon nagpalitan na kami ng loveletters hanggang sa matuto na sya mag internet..hehehe.. Although mahal pa dati ang rental sa internet cafe, sinasakrispisyo talaga namin maski 3 times a week magkausap kami sa chat, at least na update kami sa isat isa.  Twice a month tumatawag sya sa akin sa landline ng kapitbahay namin na pinsan ko sya tumatawag para makausap ako maski saglit lang.  Iyong mga effort nya na iyon, sobrang na appreciate ko talaga kaya sinikap ko rin na maging tapat sa kanya. After a year, nabigyan sya ng chance na makapag bakasyon ng 2 weeks dito sa Pinas.  HIndi pa man sya nakakauwi, pina plano na namin thru chat ang mga activities na gagawin para maging sulit ang bakasyon nya. Nagulat ako kasi isa sa plano nya ay magpakasal na kami maski sa huwis lang muna.  Syempre dahil mahal ko rin naman sya e di pumayag na din ako.  Wala ni isa sa aming mga kamag anak ang nakakaalam na ikakasal na kami.  So dumating na nga sya, walang nakakaalam na dumating na sya, ako lang ang sumundo sa kanya.  Nag stay muna kami sa hotel for 2 days para bonding time namin.  Then noong day before ng wedding namin, pumunta sya sa bahay para sa informal na pamamanhikan nya.  Sinabi ko informal dahil hindi sya tipikal na pamamanhikan na nag usap usap ng plano.  Pumunta sya para sabihin sa nanay ko na ikakasal na kami bukas, hehehe..syempre gulat din nanay ko.  Although kilala naman sya ay madami silang katanungan na gusto malaman.  Nasa right age naman na kami that time kaso nagulat lang sila sa agarang plano.  Simple lang naman sagot namin, nagmamahalan kami.

So dumating na nga ang araw ng kasal namin.  Noong pauwi palang sa sa Pinas, may kinausap na ako sa City Hall at nagpa schedule na ako ng date ng kasal namin kaya wala ng syang naging hassle pa.  Ang schedule ng kasal namin ay 12noon,  ang aga namin ng nanay ko at ng iba ko pang relatives doon.  Syempre kami ang nauna so wait ko ang aking groom.  Napansin ko iyong ibang nagpa civil wedding as in naka wedding gown pa ang barong ang couple.  Nahiya naman ako sa suot ko dahil naka slacks ako at blouse lang..hehehehe.  Grabe, 12noon na wala pa ang aking groom.  Kabado na ako baka maging runaway groom ang peg nya.  After ilang minutes dumating na ang tropa nila.  So nakahinga na ako ng maluwag.  Na trapik lang pala sila.  So tuloy ang kasalan na tumagal ng mga kalahating oras yata iyon.  After ng kasal, tuloy na kami sa mall, nag hanap kami ng restaurant na pwede makainan.  So go kami sa eat all you can restaurant para hindi naman nakakahiya sa aming mga guests na nag abala pa para sa ming big day.  Actually, ang original plan talaga namin ay church wedding agad, may shorlist na kami ng mga taong kukunin para sa entourage, but then nag change plan dahil hindi nga pinayagan ng mahabang bakasyon at maiksi ang time frame para sa preparation. So after 2 weeks, kelangan nya na ulit bumalik sa abroad kaya malungkot na naman.  Buti na nga lang may internet na kaya hindi na mahirap ang communication.  Madalas ang aming chat kaya na iibsan din ang homesick nya doon sa abroad at ganun din naman ako sa kanya.  After 5 months umuwi rin sya dahil namatay naman ang father nya at nag decide na sya na wag na bumalik sa abroad.  So that time nagsama na kami as a couple at mas lalong naging masaya kami dahil magkasama na kami at last.

Sana nga matuloy ang balak namin na magpakasal ulit sa simbahan naman.  Every womans dream kaya iyan, ang makasal sa simbahan di ba?

Wish me luck!

Cheers

joy


Thursday, January 17, 2013

Tuliro sa isang tabi..

Hello there!

How's life? I hope everyone is doing fine and having a wonderful start of the year.  

It's been 2 months since I left my job, hindi ko maiwasan ma miss ang mga dati kong activities at mga taong regular kong nakakasama sa work.  Though nag eenjoy ako ngayon sa buhay ko na kasama ko lagi ang anak ko,minsan di pa rin maiwasan na hanap hanapin mo ang activities mo dati lalo na kapag nasanay talaga ang katawan mo sa trabaho.  Sa ngayon medyo confused ako kasi parang gusto ko mag SAHM nalang para mag alaga ng anak ko kaso kapag nabo boryong naman ako sa buhay ko doon naman ako nakakaisip na mag work ulit.  Actually sa ngayon, medyo nag oobserve din ako kung anong magandang pasuking sideline a para habang di pa ako bumabalik ulit sa work ay may pagka abalahan ako.   Ang dami ko kasing gustong matutunan like magluto, mag bake, at dressmaking.  Hindi ko alam kong saan ako mag uumpisa pero lahat na yan ay gusto ko talaga matoto.  Naisip ko kung mag negosyo nalang kaya ako para I still have the time na alagaan ang anak ko. Kaso paano? Ano ba unang step na gagawin ko? Hehehe...ang labo ko ano?

As of now enjoy talaga ako sa super precious talaga ang bonding moments namin ng daughter ko. Lalo kaming naging close sa isat isa.  The more na nakikilala ko sya sa mga character na pinakikita nya.  At ngayon yung stage ng buhay nya na madami syang katanungan, gustong malaman, kelangan ng detalyadong explanation kaya naman pinipilit ko na habaan pa ang pasensya ko para maibahagi ko ng maayos at tama ang mga bagay ng gusto nya malaman.   And of course maski papaano hindi nya iisipin na hindi ako naging hands on mom for once in her life.  Dumating man ang time na maisip ko na bumalik na talaga ulit sa work, at least maiisip din ng anak ko na minsan sa buhay nya nag laan ako ng time para personally na mag alaga sa kanya.  

So hayon nga,  sana by February makapag decide na din ako ng gusto kong mangyari sa buhay ko.  With Gods help and guidance sana makapag desisyon ako ng ayon sa nararapat at ikabubuti ng buhay ko.  Wish me luck guys!


Cheers!

joy

Wednesday, January 02, 2013

Welcome 2013!

Happy New Year guys!
I do hope everyone celebrated their holidays meaningful and joyful.  Time flies so fast talaga, at heto nga at bagong taon na naman.  Tatanda na naman tayo.  And of course lahat tayo nag wi wish ng magandang year ahead.  

You know guys, last December, I attended and was able to complete the Simbang Gabi, as in madaling araw ha? I was so glad na kumpleto ko ang 9 days novena kaya naman naging masaya at meaningful ang aking pasko maski simple lang ang naging celebration namin together with my loved ones. Ang importante masaya at kumpleto kaming nag celebrate ng aming pasko.   May mga wishes din kasi ako for the year 2013 kaya nag sacrifice talaga ako na gumising ng maaga para mag attend ng simbang gabi.  At syempre hindi lang sa pag attend at pagkumpleto ng simbang gabi masses nagtatapos ang lahat, kelangan isabuhay din ang mga gospel at mga homily na ibinahagi ng mga pari during the mass.  It is also my way of thanking God for the blessings and trials na naranasan/natanggap  ko sa year 2012.  

For this year 2013, may mga resolutions din ako na gusto ko sana gawin sa buhay ko.  Here are some of my new years resolution.  I just wish magawa ko lahat para ma improve ko ang aking sarili and of course to become a more better person.

1. Sana mas dumalas ang pag sisimba naming buong family tuwing Sunday para naman lalo kami i bless ni Lord.  Sabi nga nila, the family that prays together, stays together.

2. Sana ma handle kong mabuti ang aking temper at ugali.  Humaba pa sana ang aking pasensya at pag unawa sa aking kapwa.

3. Sana mas maging open pa ako sa pagpaparamdam ng aking care and love sa aking hubby.  Medyo hindi kasi ako karinyosa pero deep inside loving and caring and thoughful talaga ako.

4. Sana mas maging mapagpatawad pa ako sa mga taong may atraso sa akin dahil ang Diyos ay nagawang magpatawad sa lahat ng taong  makasalanan kaya walang dahilan para hindi ako magpatawad sa aking kapwa.

5. Sana mas pagtuunan ko ng pansin ang aking sarili ngayon,  sana magtuloy tuloy ang aking pagbabawas ng timbang for health sake at syempre to look good na din.

6. Sana mas maging masipag pa ako ngayong taon dahil kelangan ko makabawi in terms of financial aspects.

7. Sana mas maging wise na ako sa paghahawak ng pera at pag paplano para sa kinabukasan ng aking pamilya.

8. Sana maiwasan ko na ang pagbili at paggasta sa mga wants lang at mas bigyan ng pansin ang mga needs talaga ng pamilya.


ILan lang iyan sa mga goals na gusto ko ma achieve this year.  I'm sure kung magawa ko iyan lahat siguro na mas magiging mabuti ang pananaw ko sa buhay at mas magiging magaan ang buhay para sa amin.

How about you? May new years resolution ka rin ba?

:)
Cheers to year 2013!

JOY