How's life? I hope everyone is doing fine and having a wonderful start of the year.
It's been 2 months since I left my job, hindi ko maiwasan ma miss ang mga dati kong activities at mga taong regular kong nakakasama sa work. Though nag eenjoy ako ngayon sa buhay ko na kasama ko lagi ang anak ko,minsan di pa rin maiwasan na hanap hanapin mo ang activities mo dati lalo na kapag nasanay talaga ang katawan mo sa trabaho. Sa ngayon medyo confused ako kasi parang gusto ko mag SAHM nalang para mag alaga ng anak ko kaso kapag nabo boryong naman ako sa buhay ko doon naman ako nakakaisip na mag work ulit. Actually sa ngayon, medyo nag oobserve din ako kung anong magandang pasuking sideline a para habang di pa ako bumabalik ulit sa work ay may pagka abalahan ako. Ang dami ko kasing gustong matutunan like magluto, mag bake, at dressmaking. Hindi ko alam kong saan ako mag uumpisa pero lahat na yan ay gusto ko talaga matoto. Naisip ko kung mag negosyo nalang kaya ako para I still have the time na alagaan ang anak ko. Kaso paano? Ano ba unang step na gagawin ko? Hehehe...ang labo ko ano?
As of now enjoy talaga ako sa super precious talaga ang bonding moments namin ng daughter ko. Lalo kaming naging close sa isat isa. The more na nakikilala ko sya sa mga character na pinakikita nya. At ngayon yung stage ng buhay nya na madami syang katanungan, gustong malaman, kelangan ng detalyadong explanation kaya naman pinipilit ko na habaan pa ang pasensya ko para maibahagi ko ng maayos at tama ang mga bagay ng gusto nya malaman. And of course maski papaano hindi nya iisipin na hindi ako naging hands on mom for once in her life. Dumating man ang time na maisip ko na bumalik na talaga ulit sa work, at least maiisip din ng anak ko na minsan sa buhay nya nag laan ako ng time para personally na mag alaga sa kanya.
So hayon nga, sana by February makapag decide na din ako ng gusto kong mangyari sa buhay ko. With Gods help and guidance sana makapag desisyon ako ng ayon sa nararapat at ikabubuti ng buhay ko. Wish me luck guys!
Cheers!
joy
No comments:
Post a Comment