Nuffnang Ads

Saturday, January 19, 2013

Anniversary

Hi!

This month, my husband and I celebrated our 9th year wedding anniversary.  I was glad after all kami pa rin until now and getting even better pa ang takbo ng relationship namin as  a couple.  Though civil wedding pa lang kami kinasal,  I have all this hopes na matuloy ang renewal of vows namin  next year sa church naman syempre as a Catholic, I  still wanted to have blessings from the Lord.  Anyway, wala naman problema, as long as we still love each other, maski simple lang na church wedding ok na yan.  Sabi ko nga sa hubby ko, maski  wala nalang bisita, kami lang ang importante magkaroon kami ng blessings from the Lord.

This year hindi kami lumabas or nag date mag asawa, not the usual years na lagi kami lumalabas kapag anniversary namin.  Kain sa labas, nood movie pasyal.  This year sa bahay lang kami, bumili lang sya ng food then pinag saluhan namin mag anak.  Masaya na rin kami, ang importante magkasama kaming lahat.  

Gusto ko lang sana i share sa inyo ang aming love story at kung paano kami nagmamahalan at inabot namin ang ganito katagal na panahon.  Sa panahon kasi ngayon, bihira na ang nagtatagal ang pagsasama bilang  mag asawa. Kaya I am very thankful kay Lord na patuloy nyang bini bless ang ginagabayan ang aming married life.  Hindi kami perfect couple dahil madami din kami dinaanan at patuloy na pinagdadaanang mga trials sa buhay mag asawa.  Ilang beses na din tuwing nagkakagalit kami minsan naiisip ko na maghiwalay nalang kami.  Pero dahil sa gabay ng Holy Spirit, naliliwanagan ang aming mga isip at nauuwi rin sa pagbabatian at pagsisikap na mas lalo pang maging maunawain at habaan pa lalo ang pasensya.  Kaya naman hanggang ngayon ay magkasama pa din kami.  

Naalala ko pa noong boyfriend ko palang sya.  Hindi naging madali ang aming relasyon dahil ang daming sagabal at pumipigil sa amin.  Kaso, kung talagang meant to be kayo, walang sinuman makakahadlang harangan man ng sibat.  Isang taon lang kami nagkasama talaga as bf/gf dahil nag decide sya na mag work abroad.  Akala ko that time noong umalis na sya ay end na din ng relasyon namin katulad ng karamihan na nangyayari.  Ngunit, nakita ko yung pagpupursige nya na mag reach out sa akin.  Take note, wala akong cellphone, walang landline, walang computer sa bahay.  So paano kami regular na mag uusap?  Pero after a month mula ng pag alis nya, nakatanggap agad ako ng sulat sa kanya.  Tuwang tuwa ako dahil akala ko limutan na talaga.  So mula noon nagpalitan na kami ng loveletters hanggang sa matuto na sya mag internet..hehehe.. Although mahal pa dati ang rental sa internet cafe, sinasakrispisyo talaga namin maski 3 times a week magkausap kami sa chat, at least na update kami sa isat isa.  Twice a month tumatawag sya sa akin sa landline ng kapitbahay namin na pinsan ko sya tumatawag para makausap ako maski saglit lang.  Iyong mga effort nya na iyon, sobrang na appreciate ko talaga kaya sinikap ko rin na maging tapat sa kanya. After a year, nabigyan sya ng chance na makapag bakasyon ng 2 weeks dito sa Pinas.  HIndi pa man sya nakakauwi, pina plano na namin thru chat ang mga activities na gagawin para maging sulit ang bakasyon nya. Nagulat ako kasi isa sa plano nya ay magpakasal na kami maski sa huwis lang muna.  Syempre dahil mahal ko rin naman sya e di pumayag na din ako.  Wala ni isa sa aming mga kamag anak ang nakakaalam na ikakasal na kami.  So dumating na nga sya, walang nakakaalam na dumating na sya, ako lang ang sumundo sa kanya.  Nag stay muna kami sa hotel for 2 days para bonding time namin.  Then noong day before ng wedding namin, pumunta sya sa bahay para sa informal na pamamanhikan nya.  Sinabi ko informal dahil hindi sya tipikal na pamamanhikan na nag usap usap ng plano.  Pumunta sya para sabihin sa nanay ko na ikakasal na kami bukas, hehehe..syempre gulat din nanay ko.  Although kilala naman sya ay madami silang katanungan na gusto malaman.  Nasa right age naman na kami that time kaso nagulat lang sila sa agarang plano.  Simple lang naman sagot namin, nagmamahalan kami.

So dumating na nga ang araw ng kasal namin.  Noong pauwi palang sa sa Pinas, may kinausap na ako sa City Hall at nagpa schedule na ako ng date ng kasal namin kaya wala ng syang naging hassle pa.  Ang schedule ng kasal namin ay 12noon,  ang aga namin ng nanay ko at ng iba ko pang relatives doon.  Syempre kami ang nauna so wait ko ang aking groom.  Napansin ko iyong ibang nagpa civil wedding as in naka wedding gown pa ang barong ang couple.  Nahiya naman ako sa suot ko dahil naka slacks ako at blouse lang..hehehehe.  Grabe, 12noon na wala pa ang aking groom.  Kabado na ako baka maging runaway groom ang peg nya.  After ilang minutes dumating na ang tropa nila.  So nakahinga na ako ng maluwag.  Na trapik lang pala sila.  So tuloy ang kasalan na tumagal ng mga kalahating oras yata iyon.  After ng kasal, tuloy na kami sa mall, nag hanap kami ng restaurant na pwede makainan.  So go kami sa eat all you can restaurant para hindi naman nakakahiya sa aming mga guests na nag abala pa para sa ming big day.  Actually, ang original plan talaga namin ay church wedding agad, may shorlist na kami ng mga taong kukunin para sa entourage, but then nag change plan dahil hindi nga pinayagan ng mahabang bakasyon at maiksi ang time frame para sa preparation. So after 2 weeks, kelangan nya na ulit bumalik sa abroad kaya malungkot na naman.  Buti na nga lang may internet na kaya hindi na mahirap ang communication.  Madalas ang aming chat kaya na iibsan din ang homesick nya doon sa abroad at ganun din naman ako sa kanya.  After 5 months umuwi rin sya dahil namatay naman ang father nya at nag decide na sya na wag na bumalik sa abroad.  So that time nagsama na kami as a couple at mas lalong naging masaya kami dahil magkasama na kami at last.

Sana nga matuloy ang balak namin na magpakasal ulit sa simbahan naman.  Every womans dream kaya iyan, ang makasal sa simbahan di ba?

Wish me luck!

Cheers

joy


No comments: