Nuffnang Ads

Saturday, December 08, 2012

Everything's Gonna Be Alright!

Hi dear readers! Advance Merry Christmas to all! We are already on the last month of the year.  I'm quiet sure many of you are very excited for the Christmas.  As we all know December is the month of non stop partying and spending much.  Halos every week or even everyday ang mga Christmas parties and reunions na ginaganap especially kung ikaw ay maraming friendship.  Minsan kulang pa ang time mo para mapuntahan lahat ng parties. IF you are working of course nandyan din ang stress sa work lalo na at palapit na din ang Christmas vacation so lahat nagmamadali na matapos agad ang mga deadlines or commitments sa office.  para makapag file na ng Vacation Leave. For the past years isa ako sa ganyan ang feeling tuwing sasapit ang pasko. Sobrang aligaga na minsan halos di na kami nagkakausap ng family ko dahil lagi na ako busy sa work at super late umuuwi from work at pagdating sa bahay pagod na pagod na at wala na ako gustong gawin pa kundi ang matulog at magpahinga nalang para makapag recharge for the next day battle na naman sa work.  But now medyo may konting twist dahil nagkaroon ng sudden changes sa life ko at sa career ko.  I resigned from my work a couple of months ago hoping to search a better opportunity from other industry or company.  As of now, I'm still in the process of completing my personal papers to be able for me to transfer to another office/company and hopefully by January I can start my new work and new life again. (Please help me pray for the success of my career)

For the past weeks, I just stayed home with my daughter and helping my mom in taking care of the needs of my daughter as well in our home.  We do not have maid for now so sometimes I do the household chores like cleaning the house, doing the laundry and taking care of my daughter. It's so hard but worth it especially   that me and my daughter became much closer dahil nakikita nya ako palagi.  Minsan naglalambing pa sa akin na ako ang maghatid sa kanya sa school instead of my mom.  Kaso pina uubaya ko na sa mom ko ang paghatid sunod sa school dahil mas sanay na sya sa ganun at madami na sya mga friendship na mga parents din ng mga classmates ng anak ko.  Natutuwa naman din ako dahil nag eenjoy sya sa everyday activity nya dahil nakahanap sya ng mga bagong friends at makakausap.  Since my daughter was born, my mom was the one taking care of her until now kaya matindi din ang bonding ng mag lola.  I am very thankful that I have my mom to look over my child while I was working.  Iba pa rin talaga kung kadugo mo ang nag aalaga sa anak mo, less worry and you're sure na inaalagaan talaga ng mahusay ang anak mo.  So thank you talaga sa mother ko.  

Lately I've been experiencing this feeling na bigla nalang ako nalulungkot lalo na kapag nag iisa lang ako or wala akong magawa. Bigla kong nami miss ang dati kong work at ang mga kasamahan ko dati sa work. Almost 6 years din ako doon at hindi biro ang naging bonding ko sa mga kasamahan ko sa office dati.  Kaso I have to decide and I want to find my true happiness.  Hindi pa rin kasi masusukat sa tagal ng panahon mo manilbihan sa isang kumpanya ang happiness mo.  I know myself, simple lang akong tao at hindi ako mapag hangad ng sobra.  Naniniwala kasi ako na maski gaano ka stressful ang work dapat masaya ka pa din at nandun pa rin ang feeling of excitement tuwing papasok ka sa trabaho.  Pero kung ang pakiramdam mo ay tuwing gigising ka sa umaga na iisipin mo palang ang work mo ay pagod ka na at sumasama agad pakiramdam mo,well that's the time na kelangan mo na timbangin ang sarili mo. For me, I've realized na  hindi lang naman sa sweldo mapapasaya sa buhay ko, importante pa rin ang good working relationship.  Dahil kung may ganun relationship, magaan lahat dalhin maski gaano pa ka stressful ang trabaho.  Respect sa bawat isa, maski ano pa mang position ang hawak mo. We are all created equally by God so I believe maski ano pa man estado mo sa buhay you deserved to be respected especially kung naging mabuti ka naman.  

Nevertheless, nahihirapan pa din ako mag move on.  Parang break up lang sa boyfriend ang feeling.  Yung attachment mo kasi, yung puso mo nandun pa din pero yung isip mo nagsasabi na you have to move on if you want to be happy. Well, I guess time will heal all the heartbreaks and disappointments.  I believe this is just a part of the process that I have to go through so I have to be more stronger.  I know time will come that everything will fall into each places again. I just need to be more patient and look forward to the day where everything's going to be alright again.  

Cheers!

joy

Tuesday, November 27, 2012

A Christmas Shopping tips

Hi guys! How are you? Again, I would like to apologize for my super late update here in my blog page.  I've been quiet busy attending to some personal matters that needs my full attention so that's why I seldom post new blog entries. I hope it would soon be over para maka focus na ako sa mga dapat kong gampanang trabaho.

As you can see it's already the month of November, time flies so fast that we never noticed were on the last week na pala ng November and next week is already December. Wow, its christmas time again!  Hindi lang mga bata ang masaya ngayon kundi pati din ang mga adults lalo na kapag nagtatrabaho ka sa isang magadang company na talagang nagbibigay ng bonus at kung anu ano pang mga incentives para sa mga empleyado.  Sabi nga nila, Christmas is time for sharing and giving.  Halos lahat yata ng tao nagiging mapagbigay tuwing dadating ang kapaskuhan.  Well, dahil siguro sa naging tradisyon na at likas na mapagbigay talaga ang mga Pinoy.  At dahil dyan bibigyan ko kayo ng mga humble tips coming from my own experience on how at kung saan makakahanap ng mga mabibilhan ng mga pang regalo nyo sa pasko without spending too much. 

Kamustahin naman natin ang central capital ng bilihan ng mga regalo at kung anu ano pa hindi lang tuwing pasko, maski anong celebration all year round dito talaga ang takbuhan ng karamihan sa tin. Syempre walang iba kundi ang DB or Divisoria Baclaran.  Mamimili ka nalang dyan kung san mas convenient na puntahan para sa yo.  Pero I'm sure maski saan ka pumunta dyan talaga kikislap ang mga mata mo sa dami at samu't saring stuffs na makikita mo doon. Pang regalo, pang personal na gamit, sa bahay at madami pa.  Bukod sa mura, talagang ma stretch mo ang budget mo doon unlike sa mga malalaking mall medyo pricey na kaya konti lang ang nararating ng pera mo. Based on my own experienced, best time na pumunta dyan sa DB ay month of October para sa mga Christmas buys nyo.  Kapag kasi pumasok na ang month ng November hanggang December goodluck nalang sayo.  Bukod sa mapapagod ka na sa haba ng trapik at dami ng tao, hindi ka pa makakapili ng maayos dahil ma sstress ka na agad sa siksikan at tulukan. Kelangan buo ang energy mo, handa ka physically sa pagsabak sa malabuhanging dami ng tao na nagtutulakan at nagsisiksikan para lang makapamili.  Plus idagdag mo na yung mga nagsusulputang at dumadaming vendors na sinasakop na ang kalsada sa paglatag ng paninda na lalong nagpapasikip at nagpapabagal ng traffic.  Kapag nasagi mo pa ay galit pa sa yo.   Ready din dapat ang mga paa mo with matching comfortable pair of shoes para sa walang humpay na lakaran.  Mas maganda din kung ang dala mong bag ang yung tipong body bag para iwas ka din sa mga mandurukot.  At wag ka magdadala ng mga bata as much as possible dahil mahihirapan ka lang. Bukod sa maaburido lang sila dahil maiipit lang sila sa siksikan ng mga tao, ang masaklap pa ay baka mahiwalay o mawala pa ang batang kasama mo sa dami ng tao dun. So that's a big NO talaga na magdala pa ng mga paslit doon.  OF course dapat marunong ka mamili, mangilatis ng produkto,  wag kang mahihiya tumawad.  Kung madami ka bibilhin mas makakamura ka sa wholesale price nila.  Mas maganda kung sa labas ka mamili huwag doon sa mga aircon mall  dahil ang 3 for Php100 dun sa aircon mall  makakabili ka sa labas ng Php25 each lang.  O di ba sayang din yung natipid mo sana.  Pero same lang naman ang product.  HUwag kang makakalimot tumawad at kung ayaw magbigay ng discount, maghanap ka ng iba madami ka pa dyan makikita.  Minsan nga, try mo umalis kung ayaw magbigay ng discount, kapag narealized ng may ari ng store na sayang din benta, hahabulin ka pa at ibibigay na sa price na gusto mo.  Kapag pasko kasi mas marami ang stocks kaya ang mga negosyante dyan, di bale konti or maliit lang tubo basta makabenta lang.  So dapat wise ka din. Mas maganda din kung wholesale ang bibilhin mo like 6pcs pwede na iyon sa wholesale price.  Mas makakamura ka doon.  Syempre dapat may listahan ka din dapat ng mga pangalan ng bibigyan mo ng regalo para hindi ka din mag over sa pamimili.  Sayang din naman kasi kung sobra sobra.  Next year hindi mo na yan pwede regalo dahil tiyak wala na sa trend yan..hehehe...As  much as possible wag ka din magdadala ng sasakyan doon, dahil bukod sa mahihirapan ka lang makapasok ay problema mo ba kung saan mo ipaparada na malapit lang din sa pupuntahan mo.  At saka bukod sa ubos ang oras mo sa trapik ay ubos din ang gas mo sa tagal ng usad ng byahe.  Kaya mas maganda mag commute ka nalang.  Madami namang choices, like taxi, jeep at yung mga karetela na hinihila ng kabayo.  Best time na pumunta doon ay iyong umagang umaga like mga 6am or 7am.  Tama lang pagbukas ng nga tindahan doon ikaw ang mauunang makapamili. Kapag between 10am to 3pm na kasi yan na ang kasagsagan na ng dagsa ng tao.  Mas maganda din sana kung weekdays ka pupunta doon, medyo maluwag compare sa weekend.  Bago ka pumunta doon siguraduhin na nakakain ka na dahil nakakagutom din ang ikot ng ikot, lakad ng lakad.  At symepre kapag nakapamili ka na, nakakapagod din ang magbuhat ng mga nabili.  Kaya mas maganda kung energized ka talaga para hindi ka agad mapagod at ma enjoy mo pa lalo ang pag shopping mo.

Higit sa lahat, dahil krisis tayo ngayon, kelangan din natin magtipid at maghigpit ng sinturon. Maaring may mga nabigyan tayo ng regalo last year pero this year wala na.  Sa tingin ko naman maiintindihan nila iyon sa hirap ng buhay ngayon.  Ang importante naman dyan ay yong thought hindi ang value ng regalo mo sa kanila. Batiin nalang natin ng Merry Christmas para makumpleto pa din ang spirit of Christmas.  :)  Ang true essence naman talaga ng pasko ay pagpaalala sa atin na may isang batang ipinanganak sa sabsaban na syang tumubos sa ating mga kasalanan.  

Have a Blessed Christmas to all!

joy

Saturday, November 10, 2012

Standing Tall Through Tough Times

Hello my dear readers!  I'm so sorry I haven't updated my blog for so many weeks already.  I even felt guilty specially that I learned that I have more readers than before.  I'm so glad other readers really appreciated my   humble blog.  Hindi naman ako professional blogger, ginawa ko lang ito just to share my day to day experiences in life may it be happy or sad experience.  Nowadays,  I've been through tough times talaga and hindi pa talaga ako totally overcome doon sa mga trials ko in life.  There are times na minsan naiisip ko na parang hindi ko na kaya harapin lahat ng problems but iniisip ko naman why should I give up.  The Lord God give this to me, therefore I know I can handle this with His help of course.

I'd like to share lang my new find from a bookstore.  Well, isa syang book of course na ang title ay Standing Tall Through Times by Maloi Malibiran-Salumbides a radio broadcaster, motivitional speaker at corporate trainer from the Philippines. 

 Noong nakita ko iyong book, unang basa ko palang sa cover title ay na encouraged na ako na bilhin sya dahil  swak na swak talaga sa pinagdadaanan ko ngayon.  I bought it for Php 99.00 only.  I've never got wrong with my decision to have a copy of that book dahil napakalaking tulong talaga  sa kin lalo na medyo low ang spirit ko ngayon.   It serves as a reminder for me and explains clearly why I have to go through all these trials.  A lot of advises, tips and words of wisdom ang mababasa mo.  Ang kagandahan pa ay talagang realistic lahat ng kwento at sharing nya doon sa book.  Halos lahat yata ng tao makaka relate sa kanyang mga sinasabi.   In short, inilatag at ipina intindi nya lahat ng bagay na medyo complicated para sa ilan sa atin.  After reading the book, I felt an instant relief.  I regained my confidence and learned to trust and believe in the power of our Lord.   I realized so many things na dapat hindi ko pala ginawa in the past para hindi ko sana dinadanas ngayon itong consequences.  But as they said, huli man ang pagsisisi ay ok lang iyan dahil ang ating Lord ay isang mapagmahal at mapagpatawad na Diyos.  Just be sincere to Him and to yourself na talagang you are sorry for all your sins,  Go will never leave you nor forsake you.  Tayo ang lumalayo sa Diyos kaya natin dinadanas ang trials sa buhay.  Pero sa sobrang dami ng promises ni Lord sa atin, sabi nga ng author, walang puwang ang negative vibes sa ating buhay basta magtiwala lang tayo sa promises ni God sa atin. 

Sa may mga pinagdadaanan din trials katulad ko ngayon, I highly recommend this book to you.  I'm sure this will help you a lot to boost your confidence and serves as your reminder to never give up until the storm is over.

Thank you my dear readers!

Cheers,

Joy

Wednesday, October 10, 2012

False Alarm

Hi there dear readers! Sorry I wasn't able to post new blogs this past weeks.  You know guys, sa ngayon I have lot of problems na dapat harapin kaya ang outcome ay nawawala ako sa focus, sa momentum at enthusiasm.  Pero don't worry guys, lilipas din ito sana sooner na para bumalik na ang dati kong sigla.  Hindi ko na elaborate dito kung ano ang problems ko basta kapag ok na saka ko nalang ikukwento dito.  Mas masaya kasi kapag yung kwento may ending talaga...di ba? lalo na kapag happy ending :) Kaya wait lang kayo..I know malapit na matapos at excited na din ako mag share sa inyo.  

Alam nyo ba na buong akala ko ay buntis na ulit ako???  Paano naman kasi one week na delayed menstruation ko.  Excited pa ako kagabi na ibalita sa asawa ko.  Ito naman asawa ko dahil nadala na din..hehehe..sabi nya sure ka na ba? Magpa check up daw muna ako para sure.  Pero alam ko excited din sya medyo di nya lang pinahalata kasi sanay na nga sya sa mga false alarm.  Ang kaso, kaninang umaga paggising ko meron na akong dalaw..oh noh!  False alarm na naman.. :) Hay grabe hirap talaga.  Sabi ng friend ko, baka hormonal imbalance lang daw ako kaya delayed ang menstruation ko, alam nyo na sa dami ng nagpapa stress kaya siguro ganun.  Well, ok lang naman sa akin.  Naniniwala ako na in God's perfect time dadating yan sa amin.  HIndi naman ako nawawalan ng pag asa.  Kaya lang naawa lang ako sa anak ko, hanggang ngayon wala pa din sya kapatid at kalaro.  Minsan nakaka guilty kapag ang ginagawa nyang playmate ay mga dolls nya..:(   Kaya tuloy ayaw nya mag absent sa school dahil doon lang sya nakakaita ng playmate.  Hay sana nga bago ako mag 35 years old dumating na ang 2nd angel namin.

For now, tatapusin ko muna mga problems ko para maka move on na ako..:)

Cheers!

Joy


Monday, September 17, 2012

God is Good all the Time

Hi guys!

This year is such a hard year for me.  Though aware ako at naiintindihan ko na ang  problems ay kaparte na ng ating buhay at ayaw man nating aminin, ito ang nagbibigay ng excitement sa ating buhay.  Hindi kasi natin ma aapreciate ang victory kung wala tayong pinagdaanang hirap.  Kaya para s may mga pinag dadaanan ngayon, ok lang yan!  Life must go on!  Matatapos din iyan.   It's up to you how you will handle the situation.  Dapat marunong ka makibagay at syempre dapat marunong ka rin tumawag at humingi ng guidance kay God.

Alam nyo kaya ko nasasabi iyan ay dahil maski ako madami na rin napag daanang pagsubok sa buhay.  Madami na rin occasion na mapapatunayan ko na talagang kumikilos ang Diyos sa mga buhay natin lalo na kapag taimtim tayong humihingi ng tawad at tulong sa kanya.

Like this year, pagpasok ng taon 2012, sobrang dami na agad ng trials na sumalubong sa akin.  Naalala ko pa nga minsan, lagi akong nag wo worry sa kung paano ko iraraos ang araw araw na buhay ko.  Akala ko nga wala ng solusyon o pag asa sa mga pinag dadaanan ko, pero kita nyo naman hanggang ngayon nag uupdate pa din ako sa blog ko, ibig sabihin tuloy pa din ang buhay maski ano pa man iyan dadating na pagsubok sa atin.  Alam ko tinutugunan Nya lahat ng pangangailangan ko, at alam ko na Sya ang gumagawa ng paraan sa lahat ng mga malalaki man o maliit na bagay na nagyayari sa king buhay.    Hindi man totally nagkakaroon ng lunas ang problema, ang importante nababawasan. At naniniwala ako na later on mawawala na ng tuluyan lahat ng bumabagabag sa isip ko.

Kaya advise ko sa mga readers ko, wag kayo mawawalan ng pag asa sa buhay.  If ever may mga problema kayo, lift it up to God at sya ang bahala sa inyo.  Life must go on at dapat maski madami problema maging Joyful pa din tayo.  :)

cheers!

joy

Thursday, September 06, 2012

More Babies to Come please...

Hi there!

I was surfing yahoo website this morning when I saw an article regarding best things about having more than one kid.  Sounds interesting kaya binasa ko.  After I read the article, sadness talaga ang naramdaman ko para sa anak ko na nag iisa lang. Kung may kapatid lang sana sya sigurado mas happier sya ngayon dahil mararanasan nya lahat ng advantages ng mayroong kapatid.  Isa na doon ang may kasama sya, kalaro, kakampi, kaaway, kakulitan at iba pa.  Kung may kapatid sya sana mas mapagmahal sya at mas thoughtful.  At syempre sa paglaki nya at sa pagtanda naman naming mga parents nya, e di sana may kasama sya, kaagapay sa buhay at karamay sa mga desisyon sa buhay na hindi na namin lubos na magagampanan para sa kanya.  Ang hirap isipin na wala syang makakasamang kapatid in case mawala na kami ng daddy nya sa buhay nya.  Maliban nalang syempre kung mag asawa sya at magka pamilya na.  Tulad ng biruan ng iba, paano ka mag organize ng family reunion kung wala ka namang kapatid..hehehe.... e di mga pinsan!!

Sa kabilang banda, naisip ko rin na hindi din naman siguro hassle kung sakaling walang kapatid ang anak ko.  Nakikita ko naman na strong ang personality nya at matalino sya.  Sa tulong na din siguro ng gabay naming mga magulang sa kanya, siguro naman higit pa sa pagkakaroon ng kapatid ang mararamndaman nyang pagmamahal namin sa kanya.  Kung sakaling hindi man kami mabigyan ng chance mag asawa na magkaroon ulit ng anak ay maluwag naman namin tatanggapin yun.  Pero hanggang kaya pa, hindi pa din nawawala ang pag asa namin na someday didinggin din ni Lord ang panalangin namin to have maski isang anak ulit.  Sabi nga nila, "In God's perfect time" dadating iyan sa atin.  Pray lang ng pray.

Minsan kapag may nababasa/napapanood akong news tungkol sa mga fetus or baby na inabandona lang kung saan saan, talaga namang nakakagalit ang mga gumagawa noon.  Napakadali para sa kanilang magtapon ng buhay samantalang ang iba dyan hirap na hirap magkaroon man lang maski isang anak.  Kung sino pa ang hindi deserving na magkaroon iyon pa ang nagkakaroon.  Sayang lang kasi yung mga buhay ng mga batang iyon.  Buti nalang madami pa din mabubuting tao na handang  mag aaruga at magmamahal sa kanila kaya sa somehow bless pa din sila.

Isa lang din ang comment ko sa pagkakaroon ng madaming anak.  Dapat responsable din ang mga parents sa bawat iniluluwal nilang anak.  Make sure na financially, kaya ninyong ma sustain ang mga basic needs ng mga bata or else hindi din sila magiging masaya sa buhay nila.  Emotionally, morally, physically, spiritually dapat ready ka din gampanan ang obligasyon sa bawat anak mo. Iwasan magkaroon ng paborito sa magkakapatid para walang samaan ng loob at magiging cause din ng lagi nilang pag aaway.  So yun lang ang aking masasabi dyan.  Sana nga mabigyan ako ng isa pang miracle ni God maski isa lang. :)

Cheers!

joy

 


Friday, August 31, 2012

Maraming Salamat sa OB Gyne ko!

Hi dear readers! 

Yesterday I was able to went home early and I got the chance to watch the TV Patrol News of ABS CBN.  I was very sad about the news regarding the death of the 8th months old daughter of Andrea Revilla-Ynares (sister of Sen. Bong Revilla).  Here is the complete details of the news http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/08/30/12/revilla-clan-mourn-passing-granddaughter 

I also have the same experience with Ms. Andrea Ynares.  Year 2008, I was then pregnant with my daughter.  Same with her, I am also expected to gave birth by 1st week to 2nd week of September 2008.  But then all of the sudden my blood pressure started and continuously raised up and so my OB Gyne started to get worried. It was my weekly visit to her and I never expected na after ng visit ko na iyon ay manganganak na pala ako.  Nag start lang naman ang worries nya noong nag check sya ng BP ko na nasa 150/100 yata yun.  Then tiningnan nya yung aking booklet, mula noong unang month ng visit ko napansin nya na pataas ng pataas ang record ng BP ko. Sabi nya, hindi daw maganda ang record ng BP ko, she informed me na magkita daw kami the following week sa ER ng Manila Doctors Hospital dahil schedule na daw nya ako for delivery.  Tinanong din nya ako kung may nararamdaman pa akong movement ng baby ko sa loob.   Sa experience ko, wala na sya movement pero may time na bumubukol or tumitigas yung tiyan ko sa isang side then mawawala. Pero yung feeling na may lumilikot sa loob ng tiyan ko, wala na.  Sabi ng doctor ko, dapat daw may movement pa rin daw akong mararamdaman sa loob ng tiyan ko.  So after ng check up ko, binalita ko agad sa husband ko ang sinabi ng doctor.  Dumating na nga iyong araw na naka schedule na ako manganak.  Noong una ayoko pa nga sana kasi wala pa naman ako nararamdaman kakaiba sa tiyan ko at sa sarili ko.  Kung hindi lang ako tinext ng doctor ko kung asan na ako, wala talaga akong balak sumipot sa ER ng Manila Doctors.  So ganun na nga nangyari, pagdating ko sa hospital, nandun na doctor ko, nauna pa sa akin.  After ng madaming check up, monitoring at kung anu-ano pa,  nanganak ako thru CS section, during my delivery doon lang din namin nalaman including my OB na surprise din na nakapulupot pala ang umbilical cord ng anak ko sa left leg nya.  Imagine 3 ikot ng umbilical cord sa paa nya.  Kita pa namin after nya malinisan na may marka or pasa ang leg nya sanhi ng pagkatali.  Sa buong stage ng pregnancy ko, isang beses lang kasi ako nag pa ultrasound, yun ay noong 7 months na ang baby ko sa tiyan at ang purpose noon ay para malaman ang gender nya.  Wala naman nakita ang doctor ko na kakaibang position ng anak ko sa loob.  So feeling namin during 8th months na nangyari yun.  I was very thankful na din sa doctor ko dahil napakamaalaga nya talaga, at sobrang experienced na nya kaya siguro na nakita na nya posibleng maging risk sakaling pinatagal pa nya or hinantay pa nya yung kabuwanan ko or yung time na humilab ang tiyan ko.  Buti nalang nag decide na sya kaagad dahil kung nagkataon pala maaring mawala sa akin ang aking anak.  Masama pala yun dahil napipigilan pala ang flow ng dugo sa katawan ng bata at pwede maging cause ng death nya sa loob ng tiyan.  Bigla akong nagbalik tanaw sa pangyayari way back 2008.  Totoo pala talaga na once manganak ang isang ina, para na rin nasa hukay ang isa nyang paa. True talaga, dahil kung di maagap ang aking doctor baka isa sa min ng anak ko wala na dito sa mundo.  Kaya malaki ang pasalamat ko kay Dr. Dorothy Sia-Cu. Salamat sa pag aalaga mo sa min ng baby ko. Syempre kay Lord din dahil sya ang nagbibigay ng wisdom at knowledge sa mga tao.  Kapag biniyayaan ulit ako ng baby ikaw pa din ang kukunin kung OB Gyne. I know safe kami ng baby ko sa mga kamay mo.

Cheers!

joy

Wednesday, August 29, 2012

4th birthday of my daughter

Last August 26, may daughter celebrated her 4th birthday.  Unlike from her previous birthdays, this year we decided to have it  simple and matipid na celebration.  Medyo tight din ang budget namin nowadays lalo pa at kagagaling lang namin sa gastos sa aming bakasyon sa province.  We held her birthday party sa school noong Aug 24, Friday  kasama ang 28 nyang classmates at  2 teachers.  Noong una plano ko sana mag order nalang sa jollibee ng spaghetti at chicken meal dahil feeling ko wala ring enough time para mag prepare kasi pumapasok ako sa work.  Kaso noong nag compute ako na realized ko na medyo mahal din pala at sa tingin ko hindi ako magiging happy na ganun lang ang kahihinatnan ng gastos.  So I decided na bumili nalang sa grocery then kami nalang mag prepare.  Talagang sobrang makakatipid kami at mas marami pa kami maihahanda at marami din ang  makakakain compare sa mag order sa fast food.  So ganun na nga ginawa ko.  Nag file nalang ako ng leave of absence para may makatulong naman ang aking mader sa pag prepare ng food.  We prepared spaghetti, fried chicken, hotdog on stick and tetra pack juice for the kids.  Sa mga parents naman na  katulad ng nanay ko na matiyagang naghahatid-sundo sa mga anak ay pancit palabok, sandwich,puto at sofdrinks.  I also bought assorted party hats( maski anong theme nalang) para mag mukha namang birthday party ang event and I'm sure na lalong ikinasaya ng anak ko.  Sayang nga dahil hindi nagawa yung order naming balloons.  Nagkaroon ng miscommunication between sa gumagawa at sa inutusan kong mag order, hindi sila nagkaintindihan sa date na kelangan namin ang balloons.  Ang birthday talaga ng anak ko ay Aug 26, pero since pumatak ng Sunday  kaya ginawa naming Aug 24, Friday sa school nya.  Ang alam ng inutusan ko mag order ay sa Aug 26 pa kelangan kaya hindi tuloy  nagawa yung balloons.  I also prepared giveaways na isang supot na assorted candies na sobrang ikinatuwa ng mga bagets.  Buti nalang din may isang parent doon na nag volunteer na mag host sa party kaya nagkaroon kami ng konting pa games.  I'm so happy naman at tuwang tuwa ang mga kids maski simple lang at walang maayos na program ang birthday ng anak ko.  Maski yung daughter ko super happy din after ng party nya sa school.  Excited sya mag open ng mga natanggap nyang mga gifts from her classmates. Sa part ko, fulfilled din ako dahil successful din ang celebration and worth it ang effort ko dahil nakita ko naman na masayang masaya ang anak ko. 






Cheers!

joy

Tuesday, August 28, 2012

i'm back!

Hello there my dear readers!  How are you? Na miss ko itong blog ko..hehehe..tagal ko nakabalik ulit, 3 weeks yata. I just came back from my 7 days  vacation in my hometown, Leyte.  So far, so good naman maski ang daming obstacles na nangyari before and after ng vacation ko with my entire family.  

During our departure sana to Leyte, the day before ay walang tigil ang ulan maski wala naman bagyo.  Hanggang sa lumubog na buong ka Maynilaan sa walang tigil na ulan.  Akala ko nga maka cancel ang flight namin, pero hindi naman nangyari.  So dahil walang cancellation ng flight kaya go pa din kami lsa aming vacation.  Sa awa ng Diyos, nakarating naman kami safely sa Leyte, at to our surprise grabe ang init ang araw doon pagdating namin.  Opposite sa sitwasyon that time sa Manila na lubog na lubog na sa baha.  

Our entire 7 days vacation was really unforgettable.  Nakapag relax kami ng husto. Nakalanghap ng sariwang hangin sa beach.  As in 4:00 AM palang nasa beach na kami.  Mas masarap pala ang feeling ng makikita mo ang sunrise.  Tapos kalmado ang beach, wala pang masyadong tao, feeling ko ako ang may ari ng beach dahil wala ka ibang makikitang tao dahil maaga pa nga.  Enjoy din ang mga bagets, nakaranas sila ng kalayaan sa kanilang paglalaro.  Takbo dito, takbo doon na wala kang pinag aalala.  Na feel ko din yung ka simplehan pa din ng buhay doon.  Although may mga pagkakaiba na compare sa time na doon pa ako nakatira.  Binalikan ko din yung aming nag iisang palengke sa bayan.  Madami na din yung pagbabago doon, halos lahat din na makikita at mabibili mo lang dati dito sa Manila ay meron na din doon.  Pinuntahan din namin yung Cathedral doon na bagong renovate, although hindi binago ang dating facade pero bago ang kanyang pintura at naging malinis na sya tingnan.  Namasyal din kami sa Mac Arthur Park, kung saan nandun ang famous na statue ni Gen. Douglas Mc Arthur at iba pang mga kasama.  So far, malinis naman ang kapaligiran at nanatiling peaceful pa din ang ambiance ng kapaligiran.  

















Nakalimutan ko din pala mag diet doon kasi every other day may handaan, ang daming food at laging may masarap na lechon na hindi mo maiiwasan hindi kumurot sa kanyang nangingintab na balat..hehehe.. Grabe talaga..parang nagsisi ako after ng vacation ko kasi hindi ko pa nga na achieve ang goal ko na mag lose ng weight heto na nama nadagdagan na naman ako dahil sa walang tigil na kain doon...hahaha.  Kaya lang during my stay doon sa province namin, talaga namang inuubo ako ng matindi (pati na rin mga kasama ko)  na hanggang sa pagbalik ko dito sa Manila hindi pa din gumaling.  Dahil siguro sa sobrang init doon kaya nanibago ang katawan ko. Imagine mo naman, 5:00AM palang doon ay katumbas na ng 7:00AM ang sikat ng araw dito sa Manila. Tapos ang 7:00AM na sikat ng araw doon, katumbas na yata ng 10:00AM na sikat na araw dito sa Manila. As in masakit na sya sa balat.  Kaya kapag nasa beach kami, start kami ng 4:00AM then uwi na kami ng 7:00AM kasi matindi na sikat ng araw.

Pero all in all, happy at masasabi kong successful ang naging bakasyon namin maski madami munang trials ang dumaan bago kami natuloy doon.

Thank you Lord Jesus.

Have A Nice Day!

joy

Wednesday, August 01, 2012

weirdo me!

Nowadays, napapansin ko sa sarili ko parang tamad na tamad ako sa pagkilos lalo na sa umaga.  Blame it to the BED weather that's why siguro nakakatamad bumangon sa umaga.  Bukod sa masarap matulog nang ganun ang weather e malamig din ang tubig kaya nakakatamad.  Another thing that makes me sick is yung paulit ulit na routine sa umaga.  Like paggising ay agad sa CR ang tungo para mag moment habang tulala at naka hang dahil ramdam ko pa ang antok.  After that, maliligo, same soap, same shampoo, same conditioner, same toothpaste, etc. Nakakasawa na, paulit ulit na nangyayari sa araw araw. Maski siguro nakapikit ay magagawa ko dahil sa araw araw nang ginagawa pati timing sa oras kuhang kuha.   Ngayon ko lang na feel na nakaka stress din pala sya.  Naisip ko why not bili ako ng iba ibang variety ng soap, shampoo, conditioner, etc para maiba iba naman ang experience ko maski sa pagligo man lang. O di kaya baliktarin ko naman ang sequence ng mga gagawin ko. Ang weird noh? Pero nangyayari talaga sa kin.  Sana makatulong nga ang ganitong gagawin ko para naman to refresh my day ahead at ma inspire naman ako na bumangon sa araw araw.  Hehe...

Have A Nice day ahead!

:)joy

Friday, July 27, 2012

pilyo

One time nag uusap kami ng nanay ko about sa mga nangyayari or update sa school ng anak ko.  Siya kasi ang araw araw na naghahatid -sundo sa anak ko.  Nakwento nya na meron daw classmate na boy ang anak ko na panay daw ang kwento ng boy na yun sa nanay nya na girlfriend nya daw ang anak ko.  Grabeh, nursery palang ha pero alam na ang mga bagay na yan.  Iba na talaga mga bata ngayon. Noong isang beses nga daw pagdating daw sa school ng anak ko, nagkataon na nandoon na sa room yung boy at yung nanay.  Noong nakita daw yung anak ko sabi daw ng boy, "Mama, yan si Sofia yung girlfriend ko!" Ito namang anak ko dedma lang daw, malay ba naman nya kung ano yun.  Tapos daw tinukso na daw ng mga classmates nila yung boy, tinanong daw nila kung bakit niya nasabing girlfriend si Sofia.  Sagot daw ng boy, "kasi maganda sya." Just simple as that lang.  Nayy...noong narinig ko yung kwento ng nanay ko, bigla akong kinabahan, nag alala at biglang nag fast forward ang aking isipan.  Paano na nga pala kapag dumating ang time na nililigawan na ang anak ko?  Parang hindi ko pa yata kayang isipin yung ganun.  Umiral na naman ang pagiging over-protective ko.  Kaya ang ginawa ko kinausap ko agad ang anak ko.  Sinabi ko, next time kapag sinabi ulit sayo ng classmate mong boy na girlfriend ka nya sabihin mo na "Tseh! Isusumbong kita sa Daddy ko!" hahahaha..pati ako natatawa sa pinagagawa ko pero ang totoo nyan worried ako.  Ayoko pa kasi sana ma expose sa ganung mga bagay ang anak ko, Diyos ko naman 3 years old palang sya ano?   Bakit ba naman kasi yung ibang mga parents hindi yata pinaiiral ang Parental Guidance sa loob ng pamamahay nila.  Kaya naman hanggang sa school nadadala ang mga kapilyuhan nila na pati mga walang kamuwang muwang ay na-impluwensyahan.  Nakakabahala kasi ang mga kabataan ngayon, masyadong advanced.  Naalala ko noong time ko parang highschool na yata ako na involved sa mga ganoong tuksuhan.  Pati tuloy ang asawa ko nabahala din ng na ikwento ko sa kanya.  Mag schedule daw sya ng araw na sya maghahatid sa anak ko sa school. Wala naman daw syang gagawin kundi titigan lang daw ng masama yong bata. Parang gusto nya mangyari makuha ka sa tingin...hahahaha.(patulan ba naman ang bata)

Hanggang ngayon daw ganun pa din daw ang tuksuhan nila sa school at balita ko pa naging 3 boys na daw ang nagki claim na girlfriend nila ang anak ko..Susme ...mga batang ito sarap hilahin ang mga tenga grabeh! 



:) joy


Thursday, July 26, 2012

hard to feed child

Aloha! How are you guys?


Rainy season na and panahon na naman ng sakit.  Normal na ang ubo at sipon hindi lang sa mga bata but pati din sa mga matatanda na.  For me, pinaka ayoko talaga magkaroon ng sipon bukod sa masakit sa ulo ay mahirap pa huminga at parang pati ears mo apektado din.  Kaya naman hanggat maari I make sure na nabibigyan ko ng enough shield ang anak sa pamamagitan ng pagpainom ng mga Vitamins para lalo lumakas ang resistensya nya at malabanan nya ang mga virus, bacteria, germs na nakapaligid sa kanya.  Ang hirap lang sa anak ko tuwing nagkakasipon o ubo laging may kasamang lagnat.  Syempre kapag may lagnat ang bata, nandun yung wala sya sa mood at syempre ang bilis nya pumayat.   Likewise kaming parents ganun din hindi rin makatulog ng maayos dahil syempre maski tulog ang bata kailangan i monitor pa rin ang temperature mahirap na baka di natin mamalayan tumirik na pala mata sa sobrang taas ng lagnat. 

Isa pang problema ko sa anak ko, kasi sa edad nyang 3 years old, ang hirap nyang pakainin.  Kung anu ano na ang binigay ko vitamins para lang maging ganado sya sa pagkain wa epek pa din.  Sobrang dependent pa din sya sa gatas until now.   Minsan nga halos buong araw gatas lang ang laman ng tiyan nya.  Pagdating sa kanin, napakahirap nya pakainin.  Unless nalang kung sinigang ang ulam, medyo kumakain din ng konti.   Kaso hindi naman pwede araw araw sinigang ang ulam.  Minsan naman yung kanin hinahaluan ng chocolate powder (Milo) para lang kumain.  Kaya naman ganun nalang ang ingit ko sa ibang bata na talagang ganadong kumain.  Di ba nga usually ang favorite na pagkain ng bata ay spaghetti at chicken?  Sya hindi,  kapag type lang nya doon lang sya kakain, maski Jollibee pa yan kapag di nya type kumain hindi talaga kakain.  Good thing hindi naman sya under weight sa edad nya, kaso syempre mas gusto ko pa din sana na medyo magkalaman ang katawan nya.   Mas ok sana kung matoto syang kumain ng totoong food like yung kinakain natin sa dinner  syempre para magkaroon din sya ng enough vitamins, nutrients na kailangan ng katawan.  Like ngayon nag aaral na sya, problema ko din kasi yung baon nya hindi nya masyado kinakain.  Maski mag prepare pa ako ng sandwich, magluto ng pancakes at kung anu ano pa.  Hindi pa rin nya magustuhan. More on liquid lang sya.  Ewan ko ba kung saan nagmana ito kasi kaming mga parents nya hindi naman ganun.  Maski ako noong maliit ako hindi naman ako pihikan sa pagkain ganun din ang asawa ko.  Pero bigyan mo ng chocolates at ice cream hay naku maski inuubo hindi matitiis at kakainin nya talaga.

Grabe.. :(

joy

Saturday, July 21, 2012

school worries

Motherhood is not an easy thing talaga..agree ba kayo dyan?  Hay naku, being a first time mom, lahat ng bagay in relation sa mothering  ay bago talaga and everyday is always a new experience to me.  I  only have one child and she is 3 going 4 years old this coming August.  I enrolled her this school year as nursery sa isang learning center.  Marami kasing nag recommend sa kin ng learning school na iyo so doon ko sya pinasok.  So far, in  2 months mula ng nag start mag aral anak ko, madami na ako na observed na pagbabago sa kanya, madami na din sya natutunan like alphabet, drawings, colors, shapes, numbers and many more.  Lahat yun natutunan nya sa school and of course with the help na din namin sa kanya.  I'm so proud sa kanya.  Ang problema ko lang sa learning school na yun ay naka closed door ang classes nila and there's no chance for the bantay or parents na sumilip kung ano ang ginagawa nila sa  class.  On the other hand, ok naman yung ganun dahil naka concentrate ang mga kids sa lesson nila at natuto sila maging independent for a while. Tinatanong nalang namin yung anak ko kung ano ang mga ginawa nila sa loob ng room after na ng class nila. 


 Recently lang may daughter had an accident sa loob ng classroom nila.  Palabas na daw that time yung daughter ko sa room ng itong classmate nyang babae, tinumba yung monobloc table, tama lang naman dumadaan ang anak ko saka naman tumama yung paa ng lamesa sa kanang pisngi nya malapit pa naman sa mata.  Although hindi sinasadya pero nakakainis at nakaka worry din ang mga ganung incident sa loob ng classroom.  Sobrang iyak ng iyak ang anak ko that time hanggang sa nakauwi sa bahay namin.  Nagkaroon siya ng pasa at galos pisngi dahil doon sa nangyari.  Bilang ina, masakit isipin na nasaktan ang anak mo lalo pa kung talagang alagang alaga mo na halos ayaw mo nga padapuan ng langaw.  Well, dahil nga hindi maiiwasan ang disgrasya so kailangan nalang mag ingat next time. 

Also recently lang din, yung isang mommy ng classmate/seatmate ng anak ko, kinausap nya yung mother ko na siyang naghahatid -sunod sa anak ko sa school.  Nakita daw ng mommy na yon may pasa daw yung anak nya sa braso. Noong tinanong daw ng mommy na yon ang  anak nya kung ano nangyari doon, sagot daw ng anak nya, kinurot daw sya ng anak ko.  E syempre hindi naman agad kami naniwala kasi hindi naman ganun ang anak ko.  Maski malikot yun hindi sya palaaway.  Of course, tinanong din namin ang anak ko kung sya nga ba kumurot sa seatmate nya. Ang sagot ng anak ko hindi daw sya.  Tapos nagkuwento naman din ang anak ko sa akin na yung isang classmate daw nila na boy ang kumurot.  Hay grabe, nakaka stress din..hehehe... Umpisa palang yan how much more kaya kapag nasa malaking school na sya.  Sana naman hindi na maulit ang mga ganyang pangyayari.  Syempre hanggat maari ayaw mo na masasaktan ang anak mo at the same time mananakit ang anak mo sa iba kaya talagang todo pangaral  ako ngayon sa anak ko, sana naman isa-isip nya lahat ng sinasabi ko although she's still too young pa talaga, and I am not sure kung nag aabsorb lahat ng sinasabi ko sa kanya.

How about you? May experience din bang ganun ang anak mo sa school?

joy

Thursday, July 12, 2012

what a day with mr. taxi driver!

Hello there! Kamusta na kayo? Sorry hindi agad ako nakapag update sa inyo.  I was so busy kasi kaya wala rin sa focus mag isip ng ikukwento sa inyo.  

Late na naman ako ng 5 minutes sa work today dahil late na ako gumising kasi sobrang antok pa ako.  Well, dahil siguro last night, nanood pa kasi ako at nag-abang sa necrological service para kay Dolphy.  Nakaka touched ang ganyang moment kaya hindi mo maiwasan ma carried -away.  Actually, hindi ko pa nga napanood in full kasi palipat lipat kasi ng channel, ganyan kami kapag nanonood para mapag bigyan lahat.  Ang ending hindi mo nakukumpleto ang palabas kaya useless din..hehehe. 

Anyway, dahil sa nagmamadali nga ako pumasok, nag taxi na ako para mabilis.  So hayun pumara na ako ng taxi. Pagkapasok ko sa loob ng taxi sabi ko agad:

me: " kuya, sa bangkal po, sa hi-way nalang po tayo dumaan"..

taxi driver:  "oo doon naman talaga ang daan"

me:  (antipatiko 'to ha!) ok.. kasi yung ibang taxi, sa vito cruz dumadaan kapag di ko sinasabing  hi-way po tayo dumaan"

taxi driver: "maski san ma'am na sabihin nyo basta  may tip"

me:  (asar)  ganun??

taxi driver:  hehehe... (evil laugh)

So tuloy na ang biyahe. 

Pagdating sa area ng office namin, tiningnan ko yung fare counter ng taxi saka inabot ko na bayad ko na Php 100 dahil Php 99.50 ang taxi fare ko.  Aba, ang lolo ayaw pa tanggapin ang bayad ko, dagdagan ko daw maski Php20 lang.  E syempre ako tumaas agad ang kilay ko dahil exage naman talaga itong driver. May minimum amount pa talaga syang nalalaman para sa tip na hinihingi nya.  Kaya sinabi ko sa kanya, "kuya, Php 99.50 lang ang bill ko, bakit kailangan mo pa ako obligahin magdagdag ng Php20?  Sabay inabot ko na sa kamay nya yung Php100 na bayad ko at lumabas na agad ako ng taxi nya.  Ang tagal pa nya umalis parang hinintay pa nya yata ako pumasok  sa loob ng building.  Siguro tinatandaan nya ang mukha ko para kapag nagkataon na magtiyepuhan nya ulit ako pumapara ng taxi ay hindi na nya ako pasasakayin..hahaha.  Nakakainis lang kasi ang mga ganyang ugali ng ibang tao.  Sa pagkakaalam ko kasi ang TIP ay binibigay mo ng kusa at bukal sa loob mo dahil sa nagustuhan or satisfied ka sa serbisyo binigay sa iyo.  Hindi naman ako kuripot na tao, maski sa restaurant nga kapag kumakain kami, maski hirap hagilapin ang waiter nagbibigay pa din ako ng tip dahil gusto ko.  Ayoko lang ng ganyang pinangungunahan ako at inoobliga pa na magbigay.  Hay naku, kakasira ng araw.  Speaking of mga taxi ang dami ko talagang mga bad experiences sa kanila.  Like yung iba, namimili pa ng lugar na pupuntahan.  Yung iba dadayain ka,  dahil don sa tinatawag na "batingting" na pinabibilis ang patak mg metro kaya magugulat ka nalang ang laki ng babayarain mo sa pagbaba mo.  Yung iba naman hindi ka man lang tulungan mag unload ng mga gamit pero gusto may tip.  Yung iba, hindi nagbibigay ng tamang sukli at resibo. Pinaka worse pa yung experience ng ilan na hino hold up pa ang pasahero.  Hindi ko nilalahat ang mga taxi driver pero maraming ganun  base sa sarili kong experience.  Sana mabago na ang ganung kalakaran para hindi naman madamay ang iba na naghahanapbuhay lang ng maayos at gumagawa lang ng tama.

Have a nice day!

joy

Monday, July 09, 2012

I love seat sale

Hello there! How's your weekend?  For me, ok naman.  Medyo frustrated lang dahil late ko na nabasa yung announcement ng isang airline company ng seat sale nila.   Kung naging maagap lang sana ako, saktong sakto pa naman yung travel period  sa balak naming schedule.  I'm planning sana pumunta sa Boracay on February together with my family in time sana sa birthday ko.  Kaso late na noong malaman ko ang sale.  Sayang talaga.  Hayy..better luck next time.  Sana magkaroon pa ulit ng seat sale. 

Ang galing talaga ng idea ng mga airlines na seat sale dahil nabibigyan ng chance ang lahat na magbiyahe ng hindi na nag titiyaga sa tagal ng byahe ng bus at barko.  Naalala ko nga dati, kapag lumuluwas ng Maynila ang mga kamag anak namin galing Leyte kailangan nila magbyahe ng halos isang araw sa bus. Ganun din kung sa barko, halos isang araw din na palutang lutang sa karagatan bago makarating sa pupuntahan.  Pero ngayon, dahil sa seat sale nakaka avail na sila ng mga discounted rates ng airlines, so imbes na 24 hours na byahe nagiging 45minutes nalang dahil sa eroplano na ang sinasakyan nila.   Maski naman ako, hindi ako magbabalak ng bakasyon kung hindi rin lang sale ang makukuha kong airfare.  Ang laki kaya ng difference compare sa regular fare.  Like yung last year namin na bakasyon sa Cebu, sale din ang ticket namin noon, around Php 600 lang yata roundtrip na.  O di ba?  Yung ticket din namin papuntang Leyte next month, nakuha ko lang ng Php800 round trip na din.  Kung sa regular fare yata siguro aabot din ng Php 3,000 to 5,000 yata ang roundtrip per passenger.  So malaking katipiran talaga, ma eenjoy mo pa ng husto ang bakasyon mo dahil yung natipid mo sa airfare sa ibang bagay mo nalang gastusin like sa pamamasyal sa place na pupuntahan ninyo o di kaya sa mga food na gusto ninyo tikman sa place na iyon.  So kayo na gusto mag vacation at a minimal cost lang, why not make abang of those seat sale pakulo ng mga airlines.  Makaka tiyempo din kayo ng sale.  Darating din ang panahon maiikot din natin ang buong Pilipinas and later on buong mundo naman dahil sa sale na yan. :D


enjoy your week!


joy

Friday, July 06, 2012

Congrats Design Dept!

Hi guys! Happy Saturday to all of you! Time to unwind, relax, and rest para sa mga walang pasok today like me.  Medyo masakit ang lalamunan ko ngayon gawa ng kasisigaw ko kahapon para suportahan ang group namin sa Cheering competition ng company namin.  Revelation time na ng nanalo sa cheering competition na ginawa kaninang hapon.  Syempre ang nanalo ay.......... hindi kami! Wait lang,  may valid reason naman kami, just like what I've said sa blog ko yesterday, 2 days lang ang practice nila dahil sa sobrang busy din sa work at isa pa ang hirap bumuo ng participants na galing pa sa kung saan saang lugar.  Siguro kung nakapag practice lang sila ng madaming beses, I'm sure malaki ang chance na manalo sila dahil  deserving din naman ang mga participants namin (bitterness lang ang peg! hehe) So hayun, congrats nalang din sa mga nanalo lalo na sa naging champion team (Design Dept) We're happy for you guys and of course proud din kami lalo na at naging magkakampi naman tayo for so many years (totoo yan guys! pwera biro) Tadhana lang naman ang naghiwalay sa atin hahahaha...  O sya kita kits nalang sa main event ha? (go Green Team!) :D

Happy weekend!

joy


Basketball fanatics

Hello! musta kayo? Sorry ngayon lang ulit ako nagparamdam.  I was so busy kasi yesterday alam nyo naman working mom din ako.  I was so ngarag  yesterday dahil sa preparation ng Inter-Department Basketball tournament ng company namin at isa ako sa naatasan na mag asikaso ng mga participants ng aming department. As usual last minute preparation dahil ngayon na, as in now na ang presentation at noong last Thursday lang nag umpisa mag rehearse at bumuo ng cheer dance group namin. Hayy...kaka -stress talaga dahil kapag walang ma ipresent ako ang mananagot sa aming big boss..oh no!  

So hayun dahil sanay na tayo sa mga ganyang last minute preparation, nagtiwala nalang ako sa kakayahan ng mga participants and I am glad to know na nakabuo din sila maski last minute presentation.  Hindi na lang kami aasa na manalo dahil yung ibang department mga 1 month na yata nag rehearse.  Pero syempre nothing is impossible naman malay mo kami ang i declare na winner mamaya..hahaha.  Fighting spirit lang naman katapat dyan. Well, tingnan nalang natin mamaya at ibabalita ko rin sa inyo later on kung ano nangyari.

So hayun kagabi habang pauwi ako after ko mag gym, nagbalik-tanaw sa isip ko yung kasikatan dati ng Ginebra- Alaska bastketball team ng PBA. Kung hindi ako nagkakamali, 1997-1999 yata yun basta  I was in college noong naging hot topic lagi ang PBA games lalo na yung matinding labanan ng Ginebra-Alaska 


 Ang coach pa dati ay si Robert "The Legend" Jaworksi at sa Alaska na naman na ang coach  ay si Tim Cone.  Ang mga sikat na players pa dati ng Ginebra ay sina Val David, Vince Hizon, Pido Jarencio, Dudut Jaworski, Jayvee, Marlo Aquino at marami pang iba.  


At sa Alaska naman ay sina Johnny Abbarientos, Jojo Lastimoso, Sean Chambers, Jeffrey Cariaso, Bolado at madami pa na hindi ko na ma recall ang mga names at feeling ko wala na rin yata yung ibang players sa current PBA Teams.

 Going back sa time na yan.  Grabe talaga ang kasikatan nila dati.  Lalo na kapag championship na, iba ang atmosphere.  Lahat yata nag aabang sa game, syempre yung iba may mga pusta, yung iba naman mga die- hard fans lang talaga like me.  Actually sa bahay namin dati, hating-hati kami pagdating sa kampihan ng basketball team.  Lahat ng male members ng family namin sa Ginebra sila tapos yung the rest kasama na ako doon ay sa Alaska team  naman.  Minsan pa nga, dumadating ang time na nagkaka personalan na din kami sa bahay tuwing nanonood ng game ng Ginebra at Alaska..hahaha. Nagkakapikunan kasi dahil nag aasaran.  Masyadong dibdiban ang laro noon na kung tutuusin ay di naman dapat dahil keber naman ng mga players kung todo suporta ka sa kanila e di naman ka rin naman nila kilala personally..hehehe.. As in may mga nababalitaan pa nga ako dati na nauuwi pa sa trahedya dahil lang sa pustahan ng game na yan.  Ganun ka seryoso ang mga Pinoy dati pagdating sa ganyan. Tapos there was one season na nag composed pa ng kanta si Gary Granada "Pag Nanalo ang Ginebra"  for Ginebra team, at maski hindi ako maka Ginebra, ay na touched ako at napaluha pa sa kanta kasi naman laging natatalo ang Ginebra dati against Alaska that time kaya siguro nag conposed ng kanta na yun to boost up their morals.  Alala ko din dati ang bahay namin, tadtad ng dikit ng posters ng kanya kanyang team na gusto kaya tuloy parang  Cuneta Astrodome na ang bahay namin dati..hehehe.  Those are memories lang from the past. Syempre dahil dyan bigla ko tuloy na miss yung Tatay ko na die- hard fan din ng Ginebra.  Minsan kaagaw pa namin sa panonood sa nag iisa naming TV, gusto namin manood ng telenovela, sya naman gusto manood ng basketball.  E syempre sya ang masusunod kaya hayun tuloy nakahiligan nalang din  namin manood ng basketball. Para hindi na maguluhan ang TV namin. hahaha.  Pero noon pa yun dahil sa ngayon hindi na kami updated sa PBA.  Actually hindi ko na nga rin  kilala ang mga Teams ng PBA at kung sinu sino ang mga sikat at magagaling na players sa ngayon.  Pero I'm sure enjoy pa din manood ng game na yan lalo na tayong mga Pinoy mahilig sa basketball.


Happy Weekend!

joy

Wednesday, July 04, 2012

Leyte

It's been 8 months since the time na nagkukumahog ako mag book online ng seat sale isang airline para sa  plane ticket for our planned entire family vacation to our hometown, Leyte.  I was so lucky dahil nakakuha ako ng sale ticket na roundtrip na for only Php 800 lang.  O di ba, murang mura na.  For those who are not yet familiar with the place, dahil hindi naman sya well-known travel destination like Cebu, Palawan, Boracay, Bohol and etc.  Leyte is known of its  Leyte Landing Memorial Park in Red Beach, Palo, wherein we can find  the spot or monument where American liberation forces of General Douglas MacArthur landed.
Leyte is also known by its famous San Juanico bridge, na sabi nila ay ito na yata ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas,  more or less 2 km travel.  Kilala din ito as Marcos bridge dahil ito ay ginawa during ng Marcos regime na kung saan ito ay project ni Imelda Marcos na isa ring native from Leyte para sa kanyang mga kababayan.  Ang bridge na ito ay nagdudugtong ng Samar Island at Leyte.


So hayun may konting idea na kayo sa province ko. 

Excited na kasi ako sa aming pagbabalik probinsya since nag migrate (hehehe)  kami dito sa Manila noong 1995 until now dalawang beses palang kami nakauwi doon noong 1998 at 2005 pa yata.  So I'm sure madami ng pagbabago doon and I've heard nga na ang dami na ng development doon lalo na sa mga lupa. Like yung mga rice fields was transformed na into subdivisions, yung mga coconut plantation or vacant lot natayuan na ng mga sikat at malalaking department store.  Yung dating mga stores, call centers, establishment na dito lang sa Manila matatagpuan ay meron na rin daw doon sa ngayon.  So in short, for the past years, may progress na rin pala yung place namin na dating tahimik at simple lang ang pamumuhay.  Somehow, natutuwa naman ako dahil at least hindi napag iiwanan ang aming probinsya.  Kaso naisip ko, baka hindi ko na rin ma appreciate ang mga bagay bagay na madadatnan ko doon dahil mas gusto ko pa rin sana balikan doon yung aking mga naiwan at nabuong good memories mula noong bata pa ako. Lalo na doon sa bahay na kung saan kami lumaki at nagkaisip.  Kaso wala na yun dahil nabenta na ng aking mga parents.  Minsan nga naisip ko, if one day magkaroon ako ng pera, bibilhin ko ulit yung house namin doon kasi sobrang nanghinayang talaga ako dahil ang daming good memroies na nabuo sa bahay na yun kasama ang buong family ko. Maski simple lang ang buhay namin dati doon masasabi ko na naging masaya din ang childhood ko.  Sobrang payak lang ang buhay namin dati although mahirap pero masaya. Imagine mo, ang buhay probinsya namin dati.  Lahat ng oras doon mahalaga at talagang naka schedule.  Like paggising sa umaga, dapat hindi ka lalagpas ng 7AM gising ka na.  Dapat may magawa ka munang household chores bago makapag almusal.  Eksaktong 12noon kakain.  Kailangan sabay sabay pa kumain or else magagalit ang aming padre de pamilya.  After lunch, sietsa na. Sleeping time until 3PM, with background drama sa radyo. After matulog, pwede na maglaro ang mga bata at yung mga matatanda naman ay nagkikipag kwentuhan sa mga kapitbahayor gumagawa ng mga gawaing bahay hanggang 6PM.  After  6PM wala na dapat bata sa labas  dahil may mga pinaniniwalaang kasabihan na kesyo makakasagi na ng duwende at kung anu ano pa. Kailangan nang maglinis ng katawan in preparation sa dinner na usually ay 7PM.  After dinner, kailangan tumulong sa gawaing bahay hanggang sa matapos maglinis ng dapat linisin at dapt ligpitin. After that pwede na manood ng TV hanggang 9PM. Kapag dinalaw na ng antok matutulog na naman. Di ba ang boring ng buhay doon? Dati yon, pero ngayon ibang iba na daw. Well, wala tayong magagawa dyan dahil 20th century na ngayon at kailangan ding mag evolve ang tao..hehehe..

Isa pang nami miss ko sa probinsya namin ay yung mga pagkain syempre.  Nakatikim na ba kayo nito?  Ito ang tinatawag na Chocolate Moron ng Leyte or sa iba ay Chocolate Suman.  Its made of Malagkit  Rice then flavored with Cacao (chocolate) coconut milk then to make it special, nilalagyan pa ng peanuts and cheese.  Kung mapasyal kayo sa Leyte, don't miss to have a taste of this.



Ito ding tinatawag na Binagol ng Leyte, made of root crops sya parang family ng "gabi" na may taste na ng caramel ang gitna dahil sa coconut milk at sugar and many more na pinagsama sama.  Sarap din nito grabe!


Syempre, hindi rin matatawaran ang sarap ng mga dried fishes dito. Iba't ibang klase ng fish dito mo matatagpuan.  Maaliw ka pa kapag bibili ka ng dried fish dahil dito sa aming probinsya yung mga dried fish vendors dito, "singing vendors" din dahil habang binibilang at nilalagay nila yung fish na binili mo  sa supot pakanta ang pagbilang nila as in to the tune of kundiman pa nga yata..hehehe..ngayon kung nagmamadali ka, sorry ka nalang dahil kailangan mo maghintay hanggang sa matapos sila kumanta or else hindi mo makukuha yung binili mong dried fish.. hahaha...Ewan ko lang kung buhay pa ang mga vendors na ito at kung tuloy pa din ba ang practice na ito sa mga dried fish market doon.

Well, hayun ilan lang yan sa mga gusto ko balikan doon sa Leyte sa darating na August kung saan kami ay uuwi at magbabakasyon ng isang linggo. Yehey! Sana maganda ang weather at hindi kami abutan ng bagyo doon.  Lord please.

Have a nice day!

joy

Tuesday, July 03, 2012

tuwing umuulan at kapiling ka

Rainy season is here! Grabe, ang hirap na naman gumising  in the morning dahil mas masarap sumiksik sa kumot at mag extend pa ng tulog. Kaso kailangan talaga bumangon at mag prepare off to work  or else walang kakainin ang pamilya kung hindi magtatrabaho..hehe.. Syempre di mawawala ang trapik at kakambal na dyan ang hirap sumakay, isama na natin ang baha everywhere. O di ba it's more fun in the Philippines! Sabagay, nasanay na tayong mga pinoy sa ganyang event so keri nalang yan teh! Kaya naman naisip ko instead na isipin ang mga ganyang abala sa ating buhay tuwing umuulan.  Why not think of yummy foods na masarap kainin or iluto tuwing tag ulan.  I'm sure halos lahat yata madaling magutom kapag umuulan, bakit kaya ganun? Kayo rin ba ganun din ang feeling? Kasi ako maski hindi umuulan ganun e...hehehe... Ilan lang ito sa masasarap kainin kapag umuulan, siguro madami din sa inyo ang may gusto nito:

champorado at tuyo


Grabe, ang yummy nito..combination ng sweet and salty.  Yung tangy taste ng tuyo nawawala because of the sweetness ng champorado.

Chicken Macaroni Soup with egg



I like this because yung richness and creaminess ng soup  plus the soft textures ng  meat then yung favorite ko na nilagang itlog.


Sinigang



Ito naman ang masarap na ulam together with kanin.  Sa super asim nito at init ng sabaw talagang pag papawisan ka to the maximum level.

Instant Noodles

Ito naman para sa always on the go. No time to cook kaya instant ang kasagutan.

Those are samples lang ng comfort foods na masarap ihain tuwing umuulan. Hay naku, makapagluto na nga bigla akong ginutom..hehe..

See yah!

joy

Monday, July 02, 2012

tamang senti

Sometimes in life, di mo maintindihan bakit kung minsan ang mga pagsubok ay  halos sabay sabay, sunud sunod dumating sa buhay natin.  Minsan maski anong taimtim na ng prayers at faith mo minsan hindi pa rin enough para mawala totally ang mga hinaharap na mga problema sa buhay.  In my own experience,  Mula noong nagkaroon ako ng pag unawa kung ano ang ibig sabihin ng problema,  masasabi ko na mula yata noon hanggang ngayon hindi talaga ako tinatantanan ng problema.  Minsan umalis ng saglit tapos babalik din agad.   Ang daming klase ng problema,  like problema sa personal na buhay like boyfriend, asawa, family,  sa trabaho, sa finances, health, sa pag aaral, at madami pang iba.  Minsan pa nga pati problema ng may problema pino problema mo na rin.  Life is so hard talaga.  Sabi nga nila, maski yung pinaka mayaman na tao sa mundo malaki pa din ang problema on how they will spend their money, or how will they protect their lives against doon sa may mga interest sa kanila at madami pang iba.  Sa tingin  ko, wala nama talagang tao dito sa mundo ang hindi nakaranas ng problema.  So pare parehas lang.  Kaya ako, imbes na dibdibin ko masyado ang problema, iniisip ko nalang na kaya dumadating ang problema sa kin dahil alam ni God na kaya kong malampasan lahat ng trials, i have the strength to overcome all problems and of course I have the strong faith sa Kanya.  There's no reason to give up lalo na kung alam mo naman na malakas ang pananalig mo sa Diyos at may  tiwala ka sa sarili.   Naniniwala naman ako na after the storm may rainbow lagi sa huli.  At mas masarap damhin ang ganun kasiyahan dahil ramdam na ramdam mo ang Diyos na kumikilos sa buhay mo. 
Share ko lang din itong nabasa ko sa isang post sa facebook.

God's 3 Answer to our Prayers
1. Yes
2. Not yet
3. I have something better in mind.

Kaya sa lahat ng may pinagdadaanan ngayon, don't worry.  God always answer to all our prayers.  Just wait for the right time to come.


Have A Blessed Week Ahead!

joy

Friday, June 29, 2012

Lazy Friday

Good day!

I'm not feeling very well today, ewan ko kung dahil ito sa ginawa kong workout yesterday sa gym. Yes, tama nag gym ako..hahaha...Actually after noong Annual Physical Exam namin dito sa company namin, medyo na convinced ko na din sarili ko na mag start na magbawas ng timbang for health sake and syempre "to look good even better" sabi nga ni Judy Ann Santos sa Fitrun commercial nya.  Once a week I do boxing, then kapag wala ang instructor, gym naman ako. Yesterday sa gym ako pumunta and aside sa treadmill, nag try ako ng ibang work out.  Siguro nabigla ang aking katawan kaya naman ganito ang feeling ko ngayon.  Ang sakit ng katawan ko at feeling ko magkakasakit ako.  Masaya naman ako dahil mula ng noong nag work out ako nabawasan na rin ako ng konting timbang..as in konti lang. Pero ok na din yun maski konti at least may progress di ba?  Sa ngayon medyo nag eenjoy pa naman ako sa work out at sana hindi ako magsawa  nang mag tuluy tuloy na ang aking goal to become sexy. Hehe..

Have a Wonderful Weekend!

joy

Thursday, June 28, 2012

My Precious One

Good day friends!

Its Thursday already..I'm so happy malapit na ulit ang weekend.  Time to rest and spend time with my daughter at home.  Mula noong time na nagkaroon ako ng baby, maski umpisa palang ng araw, looking forward na agad ako sa pag uwi ko dahil gusto ko na ulit makita anak ko.  Alala ko pa after ng Maternity Leave ko at kailangan ko na bumalik sa trabaho, ang bigat ng pakiramdam ko at naiiyak pa ako minsan sa trabaho dahil  miss ko na ang anak ko.  Grabe! ang exage ng motherhood ko di bah??  To give you an  idea why my daughter is so  precious  to me, kasi  naman when I got married, hindi naman agad kami biniyayaan ng anak. It took us 4 years waiting in vain pa para finally magkaroon ng anak.  Minsan nga nawawalan na kami ng pag asa na tipong yung mga payo ng matatanda gusto na namin patulan like sumayaw daw kami sa Obando, o di kaya ay mag alaga daw muna kami ng ibang bata para pahiyang or  mag alay ng kung anu ano at iba pa.  Pero malakas pa rin ang faith namin na in God's time dadating din yon at inisip nalang namin na baka hindi pa right time para magka anak kami. So tuloy pa din ang buhay.   During the first up to the second year of our marriage medyo ok pa, hindi pa kami nababahala.  Pero after 3 years, medyo worried na kami ng hubby ko dahil   hindi pa din ako mabuntis.  Minsan pa nga binibiro kami ng mga friends and relatives namin na baka daw isa sa min ay baog.  Although biro lang sya pero ang totoo masakit din dahil sino ba naman ang ayaw magkaroon ng anak.  Kaya nga nag asawa para bumuo ng sariling pamilya at magkaroon ng sariling anak na palalakihin at aarugain.  So hayun, dedma na lang namin ang mga pangungutya ng ilan.  Ang totoo naman nyan gumagawa naman talaga kami ng way para makabuo sa abot ng aming makakaya ..hehe.  One time nga naglakas loob ako lumapit sa isang OB Gyne specialist.  Hoping na baka  matulungan kami sa aming problema mag asawa.  Naalala ko yung una kung experience sa  nilapitan kong OB Gyne, ang mean nya talaga akalain mo sabi nya agad sa kin, "Misis, kailangan siguro mag reduce ka kasi medyo may katabaan ka, minsan isa rin dahilan kaya hindi ka makapag ovulate ng maayos dahil sa dami ng taba mo sa katawan".  Grabe di ba? prangkahan ito teh!..huhuhu...ang sakit di ba? Pero totoo naman, medyo malusog talaga ako pero hindi naman agad ako nawalan ng pag asa dahil madami din naman ako kakilala na malulusog ang katawan and yet may mga anak naman.  So how much more ako na hindi naman  ako ganun ka super obese dati.  So ang ginawa ko, binawasan ko lang ang food intake, then vitamins, then stress-free life. Si hubby naman, clean living talaga sya, at natuwa naman ako dahil nag sinakripisyo  nya ang sigarilyo at alak para lang magkaroon kami ng anak.  Nag try ulit ako mag consult sa ibang doktor naman to seek advice, so far itong huling nilapitan kong doktor very accomodating sya  tinulungan nya talaga kami mag asawa.  And of course, sinamahan din namin ng prayers as in nag novena pa ako kaya Mama Mary  dahil naniniwala ako na mas powerful pa rin ang prayers than anything else. Ilang months na trial and error, ilang months ng disappointments ang lumipas dahil laging false alarm.  In short, hindi rin biro yung pinagdaanan namin dahil physically, mentally, emotionally affected talaga ako.  That was Saturday, Jan 19, 2008 eksaktong 1 week delayed ang menstruation ko.  Although wala ako nararamdaman kakaiba sa sarili ko, nag decide na rin ako pumunta sa doctor ko at magbaka sakali. Since nasa work si hubby, ang sister ko ang isinama ko. Nasa clinic na kami,  blood test ang ginawang test ng doktor ko.  unlike dati urine lang.  Sabi nya mas accurate daw ang blood test. So go na ang bloodtest.  After ilang nakakainip na minutes na paghihintay,  tinawag ulit ako ng doktor sa clinic nya.  Noong una sad face pa sya, so feeling ko false alarm na naman.  Pero noong pinakita na nya ang resulta ng pregnancy test ko ..hay grabe!!!!!!!! di ko alam kung yayakapin ko ba si doc o sisigaw ako sa tuwa  dahil dito sa pinakita nya sa kin:


Kakaibang kasiyahan talaga ang naramdaman ko that time. At dahil birthday ni hubby the day after ko nalaman buntis na ako, ito ang binigay kong gift sa kanya...o di ba bongga? Syempre masayang masaya din sya at maski secret muna dapat ay di nya napigilan ipamalita agad.  Dumaan ang ilang months ng samu't saring karanasan ng pagbubuntis ko.  Nanganak na din ako sa wakas, pero bago pa man ako manganak, dumaan muna kami sa butas ng karayom ng baby ko.  During my pregnancy, mataas ang BP ko until sa manganak ako kaya apektado rin si baby sa loob ng tiyan ko.  Maski hindi pa oras na ipanganak sya, pinilit sya ilabas ng doctor ko para ma save kami mag ina.  Buti naman din at napaka  maalaga ng doctor ko at talagang monitored kami ng baby ko until the time na nakalabas na kami safely sa hospital.

At dahil dyan kaya sobrang mahal na mahal ko ang anak ko.  Matagal na panahon ko kasi sya hinintay at hindi biro ang pinag daanan naming mag ina para lang magkasama kami finally. 





Ito na ang baby ko...3 years old na sya ngayon at nasa nursery school na.


:)

joy

Wednesday, June 27, 2012

Addicted to Telenovela

Hi there mga friendship!

Yes it's true..I'm so addicted to telenovelas particularly yung sa ABS-CBN.  Ewan ko siguro nakalakihan ko na maski noong bata pa ako di pa uso ang TV sa province namin, sa radyo naman ako nakikinig ng mga drama.  Yes, you read it right, drama sa radyo mga teh!...wala lang minsan maski korny para sa ibang tao aminin na natin na nagdudulot din sya ng saya, excitement at minsan aliw din sa buhay natin.  Minsan pa nga nakaka relate tayo dahil halos similar ang mga nangyayari sa telenovela sa totoong buhay natin.  Sa ngayon, ang ka adikan ko ay yung mga malapit ng matapos na



Dahil Sa Pag Ibig nila Piolo Pascual, Jericho Rosales, Cristine Reyes and many more.


This series is more on political power, fame, money, secret crimes, seeking justice, family and love.  I'm sure nangyayari din ito sa totoong buhay dahil sa mga panahon ngayon madami na talaga ang gumagawa ng masama para sa sariling kapakanan lamang.
 



Walang Hanggan nila Coco Martin, Julia Montes, Richard Gomez, Dawn Zulueta and many more.



Ito namang Walang Hanggan  or Eternity in English is more on true love, pagpaparaya, inggit, galit, kasakiman at paghihigante.  Hindi naman sya ganun ka brutal pero madami din tayong makukuhang lessons na pwede natin i- apply sa sarili nating buhay.  Based din ang telenovela na ito sa 1991 Gomez-Zulueta film Hihintayin Kita Sa Langit.


I'll give credit din sa acting ng mga actors and actresses dito dahil talaga namang magagaling. Syempre maganda din story maski minsan predictable na ang mga susunod na mangyayari.  Pero all in all nakakaaliw pa din at nakakatanggal din ng stress. :) 


How about you mahilig ka din ba sa telenovela? Ma drama din ba buhay mo?

Have a Nice Day!

joy

Tuesday, June 26, 2012

Welcome to my first ever blog!

Hi there! To start my blog, I'd like to introduce first myself to all of you who shared their time to visit and read my blog.  I'm Joy dela Cuesta, I'm a wife, a working mom with a cute daughter named Sofia.  I've been reading other blogs for a year na siguro and I enjoyed  reading them and  made me realized what if I create my own kaya?   Try lang, feeling ko kasi minsan magandang outlet ito to share thoughts, ideas, feelings, interests and of course experiences in life whether it may be good or bad. Basically, my blog will be more on my everyday life experiences as a mom, a wife, a daughter and a friend and of course anything na pwedeng pag usapan under the sun :)...for now..ganito lang muna since its my first blog palang naman.   I promise I'll try to post more interesting topics next time.  See you around... :)